Chapter 18

595 36 0
                                    

•♡♡♡•

"Hoy! Anyare? Baket natulala ka? Kanina kapa hindi bumabalik sa kwarto kaya naisipan nalang namin puntahan ka tapos, para kang baliw na nakatayo habang ngumunguso-nguso pa" Napalunok naman ako sa sinabi niya.

Putcha akala ko totoo. Parang natutuyo ang lalamunan ko kaya ang hawak kong tubig inunom ko na.

Napahawak ako sa labi ko, Lintik ano bang nangyari saakin?!

Alam ko gusto ko siya pero hindi ko naman iniimagine na mahalikan siya.

Pero ano yung nangyare?

Nakakahiya!
"May multo ba dito?" Wala sa sariling tanong ko pero tinawanan lang ako ng gaga kaya iniba ko nalang ang tanong. "Si Miss Purple nasaan?" Bigla Itong ngumisi na nakakaasar.


"Uyy hinahanap, Kaya pala ikaw na nag presenta sa tubig dahil gusto mo siyang makita?" Napapikit nalang ako ng bahagya sa sinasabi niya.

Walang hiyang Blaire nato!

"Tanga hindi no!"

"Suss In denial pa" imirap pa talaga siya saakin habang naka cross ang mga braso.

"Enough Aira, Halata naman kay Queen na totoo because look at her face. Nangamatis sa pagka pula" Cool na wika ni elle pagkatapos kinuha ang pitcher na hawak ko saka nag salin sa baso pagkatapos ininom.

Sinuntok ko naman siya ng bahagya, kinampihan pa talaga. Mag-aalas sais na nang hapon Nang maka uwi Ang Reyna nang kamalditahan. Kasama pa niya si Sir james, Aba lintik para siyang linta at buntot! Sunod siya nang sunod.


Napatingin siya saakin pero hindi ko siya matingnan sa mga mata niya dahil naiisip ko na naman ang imahenasyon ko kanina sa Kitchen nila.

Para talagang totoo.

Pero hindi.

Lahat ay busy sa pag hahanda para sa kaarawan ng kaibigan ko, Nandito na ang mga binabayaran para sa special na kasiyahan.

Nang dumating na ang mga bisitang importante sa kanila ay kaagad nagsimula ang programa.

Kami ni Ellaine na nandito lang sa sulok habang nakikinig lang sa sinasabi ni Misis-Maam sa harap kong paano niya pinalaki ang anak. Kung anong kadramahan, Kalungkotan, kasiyahan.

Nakatitig lang ako sa kanya, ang sexy niya sa suot niyang silver Topless dress na hapit sa katawan niya. Kitang kita ang kurba, ang ganda niya lang tingnan.

Ang mukha niyang kay komportableng tingnan, Ang ilong niyang perpekto, ang mga mata niyang may makamandang na tingin, Ang kilay niyang palaging Tina-taas, Ang boses niya na kay sarap pakinggan. Ang kunting dimples na bihira lang masilayan dahil sa hindi siya ngumingiti.

Grabe, I'm I inlove?  Nababading na ako ng tuluyan dahil sa kanya. Sa postural niyang parang walang anak. Andaming lalaki naglalaway sa kanya.


Una na rito ang kumag na si Sir James!

Ligawan mo lang Sir! Pero alam kong saakin din siya babagsak. Napangisi ako sa pagiisip kong iyon.

My Bestfriend's Mother ||Teacherxstudent|| Where stories live. Discover now