CHAPTER 3

2.9K 57 3
                                    

FETCH

Nagulat talaga ako ng husto dahil hindi ko ini-expect na makikita ko ngayon si Kinley.

"Uh... anong ginagawa mo rito d-doc?"

"Pinasusundo ka sa 'kin ng parents mo. Hindi mo raw sinasagot ang text at tawag nila kaya nag aalala na sila."

Binuksan ko ang aking cellphone. 20 miscalls and 35 new messages ang bumungad sa 'kin na halos lahat nanggagaling kay Mom at Kuya.

"Uh... tuloy ka muna, magpapaalam lang ako." Pumasok ako sa loob at nakita ko sina Símon at Calli na naghahampasan ng throw pillow. Napatigil sila ng mapansin kami.

"Uhm... guy's, sorry I have to go home na. Hinahanap na ako nina Mommy."

Lumabas naman bigla si Derick at Calvin sa kusina na may dala-dalang beer.

"You're going home, Captain?" tanong ni Derick.

"Oo, hinahanap na ako nila Mommy, eh."

"Okay, sa susunod nalang natin pag usapan ang vacation natin," sambit naman ni Calli.

"Good bye guy's," paalam ko sa kanila.

Sumunod naman ako kay Kinley na ngayon ay tumungo na sa driver's seat.
Hmp, hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto.

"Bakit mo pala ako sinundo, puwede mo naman akong tawagan nalang," napasimangot ako dahil hindi man lang siya nagsalita. Hays, alam niya bang ayaw na ayaw ko sa taong hindi namamansin. Feeling famous ang gano'n.

Nakarating kami sa bahay ng hindi man lang siya nagsasalita. Grabe nakaya niya talaga! Kaya naman ako ay inis na inis habang bumaba sa kanyang kotse. Hindi na ako nag thankyou kasi naiinis ako sa kanya. Hindi niya man lang ako pinansin. Dire diretso ang pasok ko sa bahay. Pagkapasok ko sa pinto nadatnan ko sina Mom at Dad sa living room.

Dali daling yumakap sakin si Mommy ng makita niya ako."Salamat sa diyos at umuwi kana! Nag alala kami sa 'yo!"

"Sorry my, na deadbat po kasi ang phone ko kaya nagcharge po muna ako kina Calli tapos hindi ko po napansin na tumawag kayo."

"It's okay princess, mabuti nalang at nandiyan si Kinley para sunduin ka," sambit ni Dad at tumingin sa likuran ko.

Sinundan ko rin kung saan siya nakatingin. Nagulat ako ng makita si Kinley. Akala ko umuwi na siya.

"Kinley hijo, dito ka na kumain ng dinner. Okay?" sabi ni Mommy.

"Okay tita," sambit naman ni Kinley.

Buti pa kay Mommmy nagsasalita siya.Hmp, ang pangit nang ugali niya. Hindi ko na si

ya crush!

Kumakain na kami ngayon sa dining. At katulad noong nakaraan, si Kinley ulit ang nakapuwesto sa harapan ko.

Nag-uusap sila tungkol sa business habang ako ay tahimik lang na nakikinig.

"It's all over the news, ang pagtangkang tumakas ni Rakim Baldemar," sambit ni Dad at tumingin sa akin. Kaya napatingin din tuloy silang lahat sakin including Kinley.

"O, bakit kayo nakatingin sa 'kin?"

"Hindi pa kayo nagkausap ni Major Suarez?" tanong ni Dad. Alam ko na agad ang ibigsabihin niya.
 

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon