CHAPTER 35

1.8K 28 2
                                    


KINLEY IS JEALOUS

Agad akong napabitiw sa braso ni Kees at umayos ng upo. Nakagat ko ang pang ibaba 'kong labi dahil sa hiya. Bakit ba naman kasi basta-basta na lang niya'ng binuksan ang pinto. Hindi man lang siya kumatok!

"Dude, what are you doing here?" tanong ni Kees at agad bumalik sa upuan niya.

Nakapamulsang pumasok si Kinley habang seryuso pa rin ang mukha niya. Patay, nakakatakot ang mukha niya.

"Bibisitahin lang sana kita," tumingin siya saglit sa akin bago bumaling ulit ng tingin kay Kees. "Nakakaistorbo ba ako sa inyung dalawa?"

"Hindi!" Agad kung sambit at umiling-iling pa. Tinaasan niya bigla ako ng kilay kaya napahiya ko siyang tinignan. "A-ang ibig 'kong sabihin, hindi naman d-dahil ginugulo niya lang ang buhok ko."

"I will leave then," asta siyang aalis na pero dali-dali kung hinawakan ang kamay niya. Napatingin siya bigla roon kaya binitawan ko kaagad ito.

"Ako na lang ang aalis, mag usap na kayo ni Kees." Kumaway ako sa kanilang dalawa at lumabas na ng kwarto. Bumuga ako ng hangin at agad tumakbo palabas ng mansyon. Bakit ba ako naguguilty? Wala naman kaming ginagawang masama ni Kees ng makita niya pero bakit feeling ko meron?

Pagkadaan ko ng pool, nakita ko si Victor na nakatutok sa phone niya. Sino naman kaya ang ka-text niya?

Mukhang napansin niya na may nakatitig sa kanya kaya luminga-linga siya sa paligid. Agad na akong umalis bago pa niya ako makita. May araw Rin siya sa'kin. Sisiguraduhin 'kong hindi siya makakawala pag nagkataon.

Pagkapasok ko ay nadatnan ko sila na nakatutok sa laptop ni Derick. Hindi pa nila ako napapansin kaya dahan-dahan akong naglakad sa likurang nila at tumingin din kung anong meron sa laptop ni Derick.

Napakunot ang noo ko ng mga reports tungkol kay governor Lazaro ang andoon.

"Anong meron, hah?"

Muntik na silang magkasobsoban dahil sa gulat. Ako naman ay humagalpak ng tawa dahil ang epic ng mga mukha nila.

"Captain, bakit ka naman nanggugulat?"

"Ganda ng timing mo eh, no?"

Umupo ako sa sofa habang nagpipigil ng tawa. Inirapan ako ni Callista habang si Simon naman ay nagkamot sa kanyang batok. Si Calvino naman at si Derick ay parang wala lang.

"Ano ba kasi yang pinapanood niyo?" tanong ko sa kanila.

Iniharap naman ni Calvino ang laptop sa akin.

"I hacked the system of Lazaro and I found that." Turo niya sa laptop.

Binasa ko ang mga data, at masasabi kung andito nga ang mga tinatagong baho ni Lazaro. Nakalagay din dito ang mga paparating niya'ng transaksyon.

"Pwede natin 'yang magamit laban kay Lazaro," sambit ni Calvino.

"Ibig sabihin...delikado din si senator kay Lazaro," mahinang sambit naman ni Callista.

Natahimik kaming lahat, parehong iniisip ang nalaman. Maraming pwedeng mangyari, lalo na at nakapasok na sa puder ni senator si Lazaro. Kailangan naming pag planohan kung paano mapapalabas sa anyo niya si Lazaro.

Pareho lamang kaming nabalik sa ulirat ng may kumatok sa pinto. Si Simon na sana ang aastang magbubukas pero inunahan ko na siya.

"Ako na,"

Pagkabukas ko ng pinto, ang seryusong mukha ni Kinley ang bumungad sa akin. Nakapamulsa siya habang nakatayo ng tuwid. Ang gwapo naman.

"A-anong ginagawa m-mo dito?" pilit 'kong hindi mautal pero hindi ako nagtagumpay.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon