CHAPTER 8

2.2K 54 2
                                    

NEW DAY

Masaya ang gising ko ngayon. Parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Maaga akong nagising kaya ako na ang nagluto ng breakfast namin. Sinigurado kong maganda ang set up ng mesa bago umakyat ulit sa taas para gisingin sila. Una 'kong pinuntahan ang kwarto ni Kuya Braylle. Binuksan ko ang pinto at pumasok. Nadatnan ko siyang nagpupunas ng buhok niya. Bagong ligo ang loko.

"Morning kuya." Humalik ako sa pisngi niya."Breakfast is ready, baba ka na," pagkatapos non ay lumabas na ako at tumungo naman sa kwarto ni Kuya Bramwell. Binuksan ko ang pinto at pumasok. Tsk, tulog pa ang luko. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kama niya at lumundag.

"Kuya gising na! Umaga na!" Patuloy parin ako sa pagtalon sa kama.

"Argh! Stop that princess. I'm up now." Tumigil na ako sa kakatalon at bumaba ng ng kama."Breakfast is ready na Kuya. Sumunod ka na okay," iniwan ko na siya at kumatok sa pinto ng kwarto nila Mom. Hindi ako pwedeng pumasok because i respect their privacy. Kila Kuya lang naman ako pasaway.

Bumukas na ang pinto. Bumungad ang magandang mukha ni Mom."Morning mhie, breakfast is ready na po." Humalik ako sa pisngi niya.

"Wow ang aga mong nagising ah."

"Masarap lang po ang tulog ko kagabi mhie," ngiti 'kong sambit. Kasi totoo naman. Masarap talaga tulog ko kagabi kasi first time akong kinausap ni Kinley ko. Eeehh! Ano ba yan kinikilig na naman ako.

"Sige susunod kami."

"Okay po." Bumaba na ako at umupo na sa mesa. Maya-maya pa ay bumaba narin sila. Buti naman.

Wala pala ngayon si Ate dahil doon siya natulog sa bagong bili na condo niya. Hope all nalang sa kanya. Gusto ko rin sanang kumuha ng condo pero basta wag na muna. Inaasar naman nila ako dahil ang aga ko raw nagising at nagluto pa ako ng breakfast. Lalong lalo na tong si Kuya Bramwell. Sarap bigwasan e. Joke.

Andito ako ngayon sa isang coffeeshop. Hinihintay ko si Calvino. May impotanteng sasabihin daw siya sakin. Ano naman kaya ito. Maya-maya pa ay nakita ko na siyang nalalakad patungo sa gawi ko at may dalang portfolio.

"Hey kanina ka pa." Umupo siya sa kaharap na upuan."Hindi naman, kararating ko lang din," kakarating ko lang mga 20 minutes.

"So ano palang sasabihin mong importante?" tinikman ko ang aking inorder na kape.

"This is about Rakim Baldemar's case." Binuksan niya ang portfolio at inilabas ang isang folder. Inibigay niya ito sa akin na nagsasabing tanggapin ko.

Kinuha ko ito at binasa. Ayon dito, nakatanggap ang HQ ng report mula sa pangalawang lider ng Metrosan. Ang Metrosan ay ang pangalan ng samahan na pinamomonuan ni Rakim Baldemar. At ang sinasabing pangalawang lider ay nagngangalang Jamir Guevara. Tatlong pong taong gulang. Matalik na magkaibigan ang dalawa mula pagkabata. Kaya ngayong nakakulong si Rakim ay siya ang kasalukuyang lider ng Metrosan.

"Anong sabi ni Guevara?" seryusong  tanong ko sa kaniya. May ibinigay siyang cellphone sa akin. Kinuha ko ito at binuksan. Merong video na nakasave kaya binuksan ko ito.

                    Video Start

"Magandang araw sa inyo mga minamahal na sundalo ng bansa. Kung napapanood niyo ito ngayon ay sana magsilbi itong babala sa inyo. Nais ko lamang na mabigyan niyo ng pansin ang aking hiling. At 'yon ay pakawalan ang aming lider na si Rakim Baldemar.
Kapag hindi niyo susundin ang hiling kong ito ay mapipilitan kaming gamitin ang aming mga armas para mabawi ang aming lider. Tandaan niyo hindi ako nagbibiro. Dadanas muli ang dugo sa kalsada't kalye pag hindi niyo pinaunlakan ang sinasabi ko. Adios.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon