CHAPTER 4

2.5K 51 2
                                    


FIGHT

Tumakbo ako sa kabilang parte kung saan magkakasalubong kami. Nagtago muna ako sa may basurahan para hindi niya ako makita.

Maya-maya pa ay dinig ko na ang mga yapak niya. Lagot ka sa 'kin ngayon. Palapit na nang palapit ang yapak niya kaya hinanda ko na ang paa ko. Isa, dalawa, tatlo!

"Aarrgghh!" natumba siya. At nasubsob sa semento ang mukha niya. Buti nga sa kan'ya.

"Takte ka,ha! Pinagod mo pa ako!" Hinawakan ko ang buhok niya at hinila. Dahilan para mapatayo siya. May pasa ang kanang pisngi niya na lalong nagpapangit sa kanya.

Hays, sorry po lord. Hindi ko po talaga mapigilang magmura pag galit ako.

Ngumisi si mamang snatcher sa 'kin pagkatapos sinipa ang paa ko. Shit! Hindi ako handa roon, ah. Umasta siyang parang makikipag-boxing sa 'kin.

Aba-aba! Hinahamon niya talaga ako, puwes makikita niya ang hinahanap niya. Sinuntok ko siya bigla sa mukha, ayon sapol kaya napahawak siya rito. Hindi niya yata inaasahan na susuntukin ko siya agad. Sinipa ko siya sa sikmura ng dalawang beses kaya napaupo siya.

"Punyeta! Babae ka ba talaga? Ang lakas mong sumuntok, tangina!"
nginisihan ko siya at nilagay ko ang sapatos ko sa leeg niya.

"Oo babae ako, at h'wag na h'wag ka nang magtangkang kalabanin pa ako dahil masisira lang iyang mukha mo," sabi ko.

"Ang pangit na nga ng mukha mo, pinapapangit mo pa!" Inalis ko ang sapatos ko sa leeg niya at nagpagpag ng kamay.

"Palalampasin ko ang ginawa mo ngayon, pero sa oras na makita pa kita ulit. Tatanggalan na talaga kita ng mukha makikita mo." Kinuha ko na ang bag na na-snatch niya kanina. At iniwan siya roon.

Naglalakad na ako pabalik nang makasalubong ko sina Calli at ang babae kanina.

"Girl! O, ano nakuha mo ba?"

" Oo, ito oh,"

"Naks naman, sabi ko sa inyo tita, e, makukuha niya 'yan."

Ibinigay ko ang bag doon sa babae. Doon ko lang napansin na ang ganda pala niya at parang may kahawig siya. Ewan ko lang kung saan ko nakita.

"Thank you so much, hija," nakangiting sabi ng babae kaya ngumiti rin ako pabalik. Ang ganda niya talaga.

"Hindi ka ba nasaktan? Come on, dadalhin kita sa hospital para ma check—"

"Naku, h'wag na po, okay lang po talaga ako," nakangiting sambit ko para hindi na siya mag-alala pa. May kinuha siya sa kanyang bag.

"Here, tanggapin mo ito, pasasalamat ko sa ginawa mong pagtulong sa 'kin." Inilagay pa niya ang pera sa palad ko.

Ibinalik ko sa kamay niya ang pera."Naku, hindi na po, hindi ko po kailangan iyan. At 'tsaka, bukal po sa loob kong tulungan kayo kaya hindi ko po matatanggap 'yan."

"Naku! Marami po siya n'yan tita. Yayamanin itong best friend ko."

"You're such a nice girl, halika kayo, kumain na lang tayo sa restaurant. Hindi kayo p'wedeng tumanggi." Inaya niya kaming dalawa ni Calli papasok ng restaurant. Meron palang restaurant dito, ngayon ko lang napansin.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon