A/N: This is it pansit! 😁 The HMM which is suppose to be a stand alone novel is now a maid series 👍 Enjoy reading! 🧡"Pagtimpla mo ako ng kape" brusko na utos sa akin ng magaling kong amo na ngayon ay nakaupo lang sa sofa habang nakapatong ang dalawang paa sa mesita. Hawak-hawak pa nito ang remote control dahil nanonood ito ngayon ng telebisyon.
Tumigil naman ako sa ginagawa kong paglalampaso ng sahig para lang samaan ito ng tingin. Hindi naman ako nito pinansin at nagawa pa talagang kumain ng popcorn na dapat ay para sa akin dahil ibinigay iyon sa akin ng kaibigan ko. Napasimangot ako dahil doon.
"Anong kulay ng kape ang gusto mo?" Tanong ko dito dahilan para balingan ako nito ng masamang tingin.
"Are you idiot? Mayroon bang puting kape?"
"Oo, 'yung gatas" sagot ko naman na siyang nagpakunot sa noo nito.
"Gatas 'yun, hindi kape. Tanga!" Wika naman nito na nagpainit ng aking dugo. Marahas akong tumayo mula sa pagkakasalampak ko sa sahig dahil sa sobrang inis.
"Kukuha na po----SIR. Sapakin kita diyan ay!" Wika ko na ibinulong nalang ang huling salita habang nagpipigil ng inis. Nagsimula na rin akong maglakad papuntang kusina.
"Black coffee ok? ITIM. Tsk!" Narinig ko pang sabi nito. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy nalang sa pagpasok sa kusina.
Wala pang dalawang minuto akong nasa kusina no'ng lumabas na ako roon dala-dala ang iniutos sa akin ng magaling kong amo. Agad ko iyong inilapag sa mesita na nasa harapan nito. Hindi umiimik na bumalik naman ako sa ginagawa kong paglalampaso.
Naramdaman ko pa ang ginawang pagtingin sa akin ng amo ko. Alam ko naman na pinagmamasdan nito ang ekpresiyon sa mukha ko para alamin kung may kalokohan na naman akong ginawa. Binalewala ko nalang ito at itinuon nalang ang buong atensiyon sa ginagawa. Narinig ko naman bigla ang ginawang pagbuga at pagsinghap nito na lihim kong ikinangiti.
"What the? A-ano itong tinimpla mo? Crap!" Galit na tanong nito na napatayo pa dahil sa pagkabigla. Pigil ang ngiti na tumingin ako dito.
"Toyo at asukal po mahal na prinsipe" sagot ko naman dito na nagawa pang yumukod dito. Nahuli ko pa ang masama nitong tingin sa akin no'ng mag-angat ako ng tingin. Kumunot ang noo nito.
"Are you having fun? Do you want me dead? And what? T-toyo at a-sukal? Are you crazy? Bakit 'yun ang tinimpla mo?" Tanong pa nito na halata sa boses ang sobrang pagkainis sa akin. Bahagya akong yumuko para itago ang pagsilay ng aking ngiti.
"Wala po kasi tayong black coffee sir" sagot ko dito habang nakayuko pa rin. Narinig ko naman ang marahas nitong pagpapakawala ng hininga.
"Damn this!" Reaksiyon pa nito bago inis na umalis ng sala para umakyat sa hagdan papuntang kwarto nito. Nasundan ko nalang ito ng tingin. Hindi ko na napigilan pa ang tumawa ng malakas dahil sa sobrang kaligayahan. Pikon!
💥 My Sadista Maid dapat title nito eh pero pabago-bago ang author niyo 😁✌ btw, thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated ❤❤❤ keep safe everyone!
![](https://img.wattpad.com/cover/292488010-288-k484715.jpg)
BINABASA MO ANG
TPMM: The Painter's Mischievous Maid [HIATUS]
Storie d'amore#Maid Series II #Ella and Sebastian story Simple, baduy, mahilig mangarap ng gising, at sadista--- mga katangian na meron ang isang Ella Jane Batumbakal. Isa lang naman ang pangarap niya, ang magkaroon ng isang asawa na katulad ng sa kaibigan niya...