"Where's Sebastian?" Narinig kong tanong ng isang boses mula sa loob ng aking art room. Napakunot-noo ako dahil boses iyon ng aking kapatid na bihira ko lang marinig dahil madalas itong wala sa bahay. Tsk! Hindi ko rin alam kung bakit ako nito hinahanap."In his art room. Why Sebasten?" Narinig ko namang sagot ni mom na alam kong nagbabasa ng news paper sa mga oras na ito. Napailing-iling nalang ako.
Malapit lang ang art room ko sa may sala kaya naman rinig na rinig ko ang usapan ng mga ito. Muli kong kinuha ang paint brush at akmang isusuot ko na sana ang aking earphone no'ng muli kong marinig ang boses ni Sebasten.
"Jessica is looking for him" narinig kong sagot ni Sebasten kaya agad akong napatayo sa aking kinauupuan. Mabilis rin akong lumabas ng art room. Hindi ko na pinansin ang madumi kong damit dahil sa mga pinturang ginamit ko sa pagpipinta.
"Hi Sebastian" Agad na bati sa akin ni JM no'ng mapatingin ito sa gawi ko. Napangiti naman ako ng malawak dahil do'n.
Nagsimulang lumapit sa akin si JM. Napansin ko na kasama nito ang pinsan ko na siyang asawa nito na si Tristan. "I miss you Seb" Malambing na wika pa ni JM habang nakabuka ang mga braso at anumang oras ay handa akong yakapin.
Napangiti ako at sinimulan na ring ibuka ang mga braso ko para salubungin ang yakap nito. "I miss you more JM" Tugon ko. Malapit na kami nito sa isa't-isa no'ng maantala naman iyon dahil mabilis itong hinigit ng asawa nito sa kwelyo ng damit nito.
"What the hell are you doing woman? Tsk!" Galit na tanong ng pinsan ko sa asawa nito. Binigyan pa ako nito ng isang matalim na tingin. Napailing-iling nalang ako habang natatawa ng mahina. Tsk!
"Still the same" wika ko pa dahilan para panlisikan ako ng mata ni Tristan. "Tsk!"
"Love naman, nagagalit ka agad diyan. I love you" Narinig ko pang malambing na wika ni JM sa pinsan ko na lihim na nagbigay ng kirot sa aking dibdib. Ngumiti nalang akong pilit habang pinagmamasdan si JM na ngayon ay nakayakap sa pinsan ko.
"Ahh! Ano bang problema mong babae ka huh? Who are you first?" Narinig kong wika ni Sebasten mula sa may pintuan na siyang umagaw sa aking atensiyon. Noon ko lang napagtanto na nakalabas na pala ulit ito matapos nitong ihatid si JM. Napakunot-noo ako.
"At talagang kinalimutan mo akong unggoy ka huh? Ako lang naman si Ella Jane Batumbakal. Untog kita diyan eh. Tsk!" Narinig ko naman na wika ng isang pamilyar na boses na ayaw ko nang marinig pa mula no'ng umalis ito. Napalingon ako sa gawi nito. Tsk!
"What the hell are you doing here?" Nakakunot ang noo na tanong ko no'ng makita ko si EJ na siya palang nag-iingay sa may pintuan. Nanlaki naman ang mga mata nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Sebasten.
"Dalawa kayo?" Nakamulaga at hindi makapaniwala na tanong pa nito sa akin.
"Malamang. Nakikita mo naman diba? Tsk!" Pambabara ko naman dito dahilan para panlisikan ako nito ng mga mata. Lihim nalang akong natuwa dahil sa naging reaksiyon nito. Katulad pa rin ito ng dati. Tsk!
Hindi ko naman inasahan ang paglapit nito sa akin para batukan ako. "What the? Ano bang problema mo huh?" Inis na tanong ko dito pero nagawa lamang nitong ngumirit sa akin na siyang lalong nagpa-inis sa akin.
"Mukha mo. Ang pangit kasi" sagot naman nito na nagpamaang sa akin. Naningkit bigla ang mga mata ko para dito.
"Really? You must be kidding. Itong mukhang ito?" Natatawa na wika ko habang itinuturo ang aking mukha. Tumaas naman ang isang kilay ni EJ na lalong nagpangiti sa akin. "This face is perfectly engraved by God. Masyado yata akong gwapo" May pagmamalaki sa boses na wika ko pa dito.
BINABASA MO ANG
TPMM: The Painter's Mischievous Maid [HIATUS]
Lãng mạn#Maid Series II #Ella and Sebastian story Simple, baduy, mahilig mangarap ng gising, at sadista--- mga katangian na meron ang isang Ella Jane Batumbakal. Isa lang naman ang pangarap niya, ang magkaroon ng isang asawa na katulad ng sa kaibigan niya...