Choices
We are the sole owner of our lives. The choices we make and the paths we take are for ours to decide. Yan ang palagi kong tinatatak sa isipan ko.
"Are you sure about this hija?"
Tumango ako. I've never been this sure my whole life. Sinabi ko na kina Mama na gusto kong matuto ng fashion design. Hindi naman sila kumontra but still, they tried to court me to take business instead. Para daw may katulong si Kuya sa pagma-manage.
May dalawang taon pa naman ako sa senior high. Maaga ko lang sinabi kina Mama ang gusto ko para hindi sila masyadong mag expect.
"Yes, Mama."
Di bale ng malayo ako. This is my dream and I'm willing to bet everything. "Pero hija, malalayo ka samin."
"Ayos lang Mama. Para matuto rin akong magpaka independent."
My Mama frowned. "Hindi biro ang amerika anak."
We have all the means. Si Kuya kasalukuyang nandoon para sa masters.
"I can manage Mama."
At an early age, I was already fascinated with clothes, fashion, and anything that entails. Si Mama naman nakahiligan akong bihisan noon kaya mas lumala ata.
"Paano yung mga kaibigan mo? Si Mariebelle? Si Pennelope?"
Bumuntong-hininga ako. There we go. Dinidiscourage ako sa gusto kong gawin. Sa totoo lang, ayaw ni Mama na mawalay ako sa kanila. But this is my stand. My life. Buti nalang at hindi katulad si Mama sa iba na namimilit at mapangdiktar.
"They're going to be fine Mama. Ilang taon lang din naman ako mawawala. Pansamantala lang iyon."
Hindi na muling umalma si Mama at hinayaan na ako. Umakyat muna ako sa kuwarto para maligo. Napagdesisyonan kasi nilang magsi-swimming ngayon sa Manduraw. Isang beach di kalayuan dito.
Ayoko sana pero mapagpilit yung dalawa kaya pumayag nalang ako. Hinatid ako ni Papa at agad ko namang natanaw ang dalawa kong kaibigan sa di kalayuang cottage.
"Text mo nalang kami pag magpapasundo ka na." Pagpapaalala ni Papa.
"Opo,"
Kinuha ko na ang gamit ko sa likod at nagpaalam na.
"Lijuan!" Salubong ni Pennelope. Ngayon ko lang din napansin na medyo marami-raming tao. Mahaba naman ang shoreline ng beach kaya hindi kami mag-aalala kapag gusto naming hindi humabilo sa iba. The island has always been known for its fine white sand and the crystal clear water. Ilang cottage malayo sa amin ay namataan ko rin ang mga schoolmate namin na nagsasaya rin.
"Ang init!" Reklamo ko kaagad ng nasa cottage na. Oo dito ako lumaki pero hindi ko talaga gaano kagusto ang dagat. I just feel icky everytime.
"Asus! Eto nag-iinarte na naman si madam!" Natatawang untag ni Mariebelle. Naka bikini top na yung dalawa at naka maong na shorts. Ako naman naka puting maxi dress.
"Magbihis ka na! Maliligo tayo!" Anunsyo ni Mariebelle.
Agad akong napangiwi. Swimming is exhausting!
"Oh! Don't tell me dito ka lang?"
"Hwag ka nang KJ Lijuan Lithicia!" Dagdag naman ni Pennelope.
"Penne, Rye. Ang init pa oh." Malumanay kong reklamo. Biglang nag-ingay ang kabilang cottage kaya sabay kaming tatlong napalingon. They were crowded and rowdy. Sa gitna ay may pinapahiran sila ng icing noong cake sa mukha. He was tall kaya kita namin kaagad. The girls were all in their bikinis. The boys in their board shorts.
BINABASA MO ANG
Poetry of the Sea
RomanceSimula noong bata pa si Lijuan Lithicia Saavedra, she always said to herself na hindi siya magpapabulag sa pag-ibig. Her mom sacrificed a lot to be with his father. Kaya ipinangako niya sa sarili na hindi siya tutulad. She'd be a career-oriented wo...