Kabanata 1

3 1 0
                                    

Pansin




Nagising ako sa pag-aaway ni Mama at Papa.

"Ano ba 'tong pinasok mo Arnulfo!?" Bakas sa boses ni Mama ang histerya. Halos dumikit na ako sa pinto para mas marinig yung pinag-aawayan ni Mama at Papa.

"This is for the development of our company Lilian!"

Why are they fighting over this? Maba-bankrupt ba kami? Impossible.

Mas humina ang boses kaya hindi ko na masyadong narinig. If only kuya was here. Tuwing nag-aaway kasi noon si Mama at Papa, pumapasok ito sa kuwarto ko para libangin ako o kaya'y pagtakpan ang tenga ko para hindi ko na marinig yung sigawan.

Pero ngayong nasa Amerika si kuya, I'm free to hear all of this.

Matagal bago ako nakatulog muli. Kung hindi pa ako ginising ni Mama dahil male-late na ako sa klase, baka siguro naka absent na ako ngayon. Hindi ko pa naman gustong umabsent.

"Mama," Tawag ko ng nasa hapagkainan kami at kaming dalawa lang yung nandito.

"Hmm?"

"Si Papa?"

Inilapag nito ang hawak na diyaryo. "Maagang umalis anak. May meeting siya ngayon."

Kalmanteng sagot ni Mama. It was as if they didn't fight yesterday. I've always adored my Mama. She sacrificed a lot to be with Papa. Kahit career nito, iniwan niya para lang makapiling si Papa.

Does love really work like that? Kailangan ba talagang may isang magsasakripisyo? Paano kapag wala? Will it crumble? If it will, then love is not that great at all.

"Kumain ka na Lijuan. Baka ma late ka pa."

Dahan-dahan akong nagsimulang kumain. Wary of Mama's moves. Tatanungin ko ba? Baka may rason kung bakit di nila sinasabi sa akin?

Hindi yun natanggal sa isipan ko hanggang sa makarating sa eskwelahan. May driver naman talaga kami pero paminsan-minsan kapag walang ginagawa si Papa at may lakad ako, nagprepresenta itong ihatid ako. Our form of bonding na rin. Masyado rin kasing busy si papa sa business namin kaya paminsan-minsan lang talaga.

"Balita ko may bagong salta dito sa school natin?" Rinig kong chismisan ng mga estudyanteng tumatambay sa may acacia.

"Abangan nga natin."

Dumiretso na ako sa building namin at pagkapasok sa classroom ay nandoon na si Pennelope, nag-iingay.

Pagbubutihin ko pa ng husto ngayong Grade 10 na ako. I want to be top of our class. It is a challenge that I want to take.

"Lijuan!"

Nagsilingunan yung mga kaklase ko sa akin. Oh? Bakit ganito sila makatingin sa akin?

"Lijuan, magkuwento ka!"

Sabi ni Orlene na isa sa kaklase namin.

"Ng ano?" Nalilito kong tanong. May bago na naman bang pinagkakalat?

"Yung nangyari sa Manduraw!"

Huh? Paano nila nalaman yung tungkol do'n?

"Balita ko nilapitan ka raw ni Cloud? Akalain mo? Mygash girl, hindi mo raw pinansin? Kung ako nasa puwesto mo, lumuhod na ako!"

Ano bang meron sa lalaking yun? He was too airy for me.

Naglakad na ako patungo sa silya ko at sinundan ako ng tingin ng lahat na nandito.

"Bakit naman luluhod si Lijuan sa lalaking yo'n? Dapat si Lijuan yung sinasamba!" Angal ng isang lalaki naming kaklase na si Rick. Nakita ko pa ang pagngiwi ng ibang kaklase na babae.

Poetry of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon