Kuya
Maraming pinamili si Pennelope. Para saan ba 'to at kay rami naman? Puno halos ang sasakyan na dala niya.
Cloud still came with us. Nasa parking lot na kami ngayon habang tinatanaw ang pagpasok ng mga pinagbibili ni Pennelope.
"Mukhang isa nalang ang magkakasya sa likod." anunsyo ni Penne.
Mukhang alam ko na kung saan 'to patungo.
"Edi sa sasakyan ko nalang si Lijuan!" Masayang pagpresinta ni Cloud. Agad akong umalma.
"Bakit ako? Puwede namang si Mariebelle!"
Nakita ko ang pagngiwi ni Pennelope. Si Mariebelle naman bumuntong-hininga.
"Sige na Lilith. Kay Cloud ka na. Pinapaubaya namin sayo si Lijuan ha."
Mariebelle went inside the SUV, iyong natitirang upuan. Noooo.
"Traydor kayo." Bulong ko sa kanila. Nasa loob na ng sasakyan yung dalawa.
"Magpapasundo ako dito kay Manong." Pinal kong sabi sa dalawang nakangisi. Napawi ang ngiti ni Pennelope.
"Bakit pa Lijuan? Mga dalawang oras rin babiyahe si Manong. Nandito naman si Cloud kaya sumabay ka na!" Paggiit nito. Pinanliitan ko siya ng mata.
She has a point. At baka may lakad si Mama ngayon at dinala si Manong so I'm not entirely sure kung masusundo ba ako dito.
"Alis na kami!" Pagpaalam ni Penne. "Text ka nalang Lijuan pag nasa bahay ka na!" Natatawa nitong sambit.
"Teka! Si Mama!"
"Sasabihan nalang namin na may date ka pa!"
Napasapo ako sa noo. Binebenta nga ako!
Nang nakalayo na ang sasakyan, padabog kong nilingon si Cloud na nakapamulsa at may multo ng ngiti sa labi.
"Did you plan this with my friends?" Pang-aakusa ko kaagad.
"Hindi ah."
Eto na ang may dala ng sketchpad ko. Sinubukan kong bawiin kanina ng matapos kaming kumain pero hindi na niya muling pinaunlakan ang gusto ko.
"Let's go? Or do you want to have dessert?"
Hindi na nga kami nakapag salon! Anubayan!
"No. Salon nalang muna tayo." Wala na akong magagawa.
Sumabay ito sa paglalakad ko at naaasiwa ako tuwing napapabaling sa amin yung ibang tao. Kadalasan pa mga babae.
"Magpapagupit ka?"
"Oo,"
"Bakit?" Para naman itong bata!
"Gusto ko lang. For a change."
"Tanggapin mo rin ako, for a change."
Tiningnan ko siya ng masama, nakakaloko lang itong ngumisi sa akin. How can he never bat an eye while saying those things? Hindi ko kasi ma imagine yung sarili ko na magsasabi ng mga ganyan.
"Tumigil ka, kuya." May panunuya kong sabi. Pwes dapat mainis ka rin!
Napatigil ito sa paglalakad at malalim akong tiningnan.
"Kuya? Kailan pa ako naging kuya mo?"
"You're older than me so naturally, I'll call you kuya."
Parang balewala kong sabi. Tumaas iyong isang kilay niya. Bakit nakakabagabag kapag ginagawa niya yan?
"I'm only two years older than you Lijuan." He said in a matter of fact.
"So? Wala ko namang modo kapag tatawagin lang kitang Cloud diba?" Ginulo nito ang buhok at mataman akong tiningnan.
BINABASA MO ANG
Poetry of the Sea
RomanceSimula noong bata pa si Lijuan Lithicia Saavedra, she always said to herself na hindi siya magpapabulag sa pag-ibig. Her mom sacrificed a lot to be with his father. Kaya ipinangako niya sa sarili na hindi siya tutulad. She'd be a career-oriented wo...