Poems
"Pag di ka sasama, hindi na rin ako sasama!"
Napasapo ako sa noo. Nakalimutan kong matigas pala ang ulo ni Pennelope.
"Penne, may gagawin nga kasi ako."
Sa linggo na 'to ko na talaga gagawin yung portfolio ko. I have a few designs on my mind kaya hanggang may makakatas pa sa utak ko, I would maximize it.
"Dalhin mo nalang!"
Kumuha si Rye ng french fry. "Oo nga, Lijuan."
Pagsang-ayon pa nito.
Ngayong linggo kasi yung class outing namin. Magbe-beach sila. Ayoko sanang sumama dahil hindi naman ako fan ng dagat.
"Mababasa."
Umirap si Pennelope.
"Sa cottage ka lang, mababasa? Ang sabihin mo iniiwasan mo lang si Cloudio!"
Magdadalawang buwan na simula noong sinabi ko sa kanya yo'n. He didn't bother to come near me again. Nasaan na yung bulgar niyang pahayag?
"Hindi ka naman maliligo Lijuan. Sige na please?"
Mas lalong tumatag ang desisyon ko ng inanunsyo na sa Manduraw kami.
"I'm busy Penne."
Penne looked at Rye hopefully.
"Kumbinsihin mo nga yan Rye!"
Rye looked at me with her usual puppy eyes. This place might be too small for us. Kahit anong ilag ang gawin ko ngayon, magkikita at magkakasalubong pa rin kami.
"Wala naman si Cloud doon Lijuan. Sa kanila nga yong resort pero hindi naman ata siya tumatambay palagi do'n diba?"
Napabuntong-hininga ako. Am I being unfair to my friends?
"Pag-iisipan ko."
Lumingon sa amin si Pennelope.
"A much better answer! Finally!"
We never had the chance to be near again. I mean kami ni Cloud. But I could see him looking at me kapag may pagkakataon. Tulad ngayong lunch break. I'm surprised to see him eating here in the cafeteria. Sa field kasi sila palagi kasama ang kabarkada nito. I've always been envious of people who could easily talk and relate to everyone else.
Ang hirap kasi para sa akin ang ganoon.
"The ice princess is so assuming!" Natatawang sambit ni Vivien. Yung class bully sa kabilang section. I blankly stared at her.
Huwag mo na yan patulan Lijuan. She's not worth it.
"Ay ang sawsawera at inggit nagsalita!" Hindi nga ako papatol pero merong hindi makapagpigil sa amin.
"Oh please. Assumera naman 'tong kaibigan mo Pennelope."
I held Penne's hand.
"We are better than this."
Mas lalo atang nagngitngit sa galit si Vivien.
"Eto, bagay sayo." Nagulat ako ng ibinuhos niya sa akin ang hawak nitong chocolate drink.
I watched as the sticky liquid stained my uniform.
"What the-" Napatayo si Pennelope.
In my peripheral, I saw Cloud stood up at umambang lalapit sa amin. Before he could reach us, mas nauna ko nang inabot ang buhok ni Vivien at nginudngod ang mukha sa lamesa kung saan natapon yung ibang chocolate drink.
BINABASA MO ANG
Poetry of the Sea
RomansaSimula noong bata pa si Lijuan Lithicia Saavedra, she always said to herself na hindi siya magpapabulag sa pag-ibig. Her mom sacrificed a lot to be with his father. Kaya ipinangako niya sa sarili na hindi siya tutulad. She'd be a career-oriented wo...