Kabanata 4

2 0 0
                                    

Walls

Ang maingay naming classroom ay biglang tumahimik at halos kasabay rin nito ang pagbubulungan. Hindi na ako nagtaka ng sumungaw ang ulo ni Cloud galing sa labas. When his eyes met mine, gusto kong magtago.

"Lijuan! Nasaan si Lijuan!?" Sigaw ni Charm. Dahan-dahan akong dumadausdos sa upuan ko. Parang kandila na unti-unting natutunaw. Wala na rin namang silbi iyon dahil yung tingin ni Cloud, nakapako na sa akin ngayon.

"Natameme ka girl?" Bulong ni Penne.

Mabilis akong tumayo ng matauhan at lumabas sa kabilang pinto. He was immediately there when I went out though. May nagsilabasang ulo rin sa may bintana, nakikichismis. Hindi na nahiya.

"I came here to give you this."

Inilahad nito ang sketchbook ko na naiwan sa kanya.

Walang pakundangan ko yon tinanggap at nagpasalamat. Eksaheradang napabuntong-hininga yung mga nakakita.

"Puwede namang mamaya na 'to ibigay." I murmured to myself pero narinig pala ni Cloud. Nanigas ako ng inilapit ni Cloud yung mukha niya sa akin.

"I wanted to see you as well."

"I'll go back. See you later?"

My chest was pounding wildly even after he left. Yakap ko pa rin ang sketchbook at ilang segundo ring naiwan na nakatayo lang sa puwesto. When I directed my eyes at him, malayo-layo na si Cloud. His back screams dominance as well.

No. Remember how well he can play Lijuan! The very first time you met him at that beach, kaya niyang masabayan lahat!

At paniguradong may karanasan na yo'n!

Malaki ang ngisi ni Pennelope habang papalapit ako sa kanya.

"Aga niyong nagpapakilig o kaya'y nagpapaiyak." tumagilid ang ulo ko sa sinabi niya at kuryoso siyang tiningnan.

"You left me with him!" mariing bulong ko.

Akala niya nakalimutan ko na yung ginawa nila ha!

The class settled down and stopped interrogating me when the teacher went inside. Supalpal kaagad kami ng quiz dahil badtrip si Ms. Beltran ngayon. For the love of God, kapag badtrip ba ang guro quiz kaagad ang katapat?

When it was finally time for our recess, saka palang kami nakahinga ng maluwag. Rye's absent.

"Buti pa ang bruha na yun, naka tiyempo pang umabsent ng may exam!"

"Anong nakakabuti no'n? Dapat nga maiyak yun dahil special quiz yung sa kanya!" Sabay kaming napahagikhik ni Pennelope.

"What are you girls giggling at?" malamig na tanong ni Ms. Beltran sa amin, nasa likuran namin.

Her eyes then went in front of us. Nasa labas yung ibang grade 12 students.

"Wala po, Ms. Beltran. Nagkakatuwaan lang."

Ms. Beltran only nodded and walked past us.

"Baka nagme-menopause na yun! O baka badtrip dahil hindi pa nadidiligan ever!" Sinapak ko na nga sa braso. Anu-ano pa yung iniisip e!

"Cloud! Hi!"

Sarap takpan ng tape nitong bunganga ni Pennelope!

Sabay-sabay ang baling ng mga Grade 12 students sa amin. Isa na roon si Cloud na kaagad ngumiti ng makita ako.

"Kiss mo nga si Cloud, Lijuan! Baka ma perfect pa kami sa moving exam namin. Group work 'to!" pabirong untag ng isa sa mga lalaki. The girls were only looking at me like I'm some pest in their eyesight.

Poetry of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon