Regalo
"Anong gusto mong regalo, hija?" Tanong ni Mama ng minsan kaming nagkasabay lahat kumain ng hapunan. Maaga kasing nakauwi si Papa.
Ngayon ko nga lang naalala na malapit na yung birthday ko. I got so busy studying for the finals.
Mag-iisang linggo na rin simula noong idineklara iyon ni Cloud. Isang linggo na rin akong panay ang iwas na makasalubong siya. Kapag ito'y nasa field, umiikot pa ako ng napakalayo para lang hindi ako makadaan sa kung nasaan siya and within that one week, paiba-iba ang kasama niyang babae.
Kaya sinong niloloko niya?
"Puwede naman pong wala."
It took me a long time to convince my Mama na hindi na magpa-party. Gusto kasi nila kaso ayaw ko.
Sinimangutan ako ni Mama.
"Nahihiya ka manghingi Lijuan?" Agad akong umiling.
"So what do you want?"
All my life, I grew up privileged. Pero hindi ko ni minsang inabuso yo'n.
"Mama save it. You know what I want for college."
Mas malaking gastos iyon. Napabuntong-hininga si Mama.
"Sige magpapaluto nalang ako kina Mariz para sa birthday mo. Papuntahin mo nalang dito sina Mariebelle at Pennelope. Okay lang ba sayo na iimbitahan ko yung kumare ko?"
Tumango ako. Hindi niya naman kailangang magpaalam.
"Okay lang po."
Noong sumapit ang sabado, maaga palang nandito na sa bahay si Pennelope at Mariebelle.
"Senyorita! Gising na!"
Binalot ko pa ang sarili sa kumot.
"Anong oras pa oh! Ang aga niyo naman!" Reklamo ko. Alas sais palang ng umaga nandito na sila!?
"Aba! Mahaba pa ang magiging biyahe natin papuntang bayan!"
Bumangon na ako at nakasimangot na tinungo yung CR. Bakit pa kasi ako pumayag? Sana pinanindigan ko nalang na may gagawin ako.
"Magpapa salon na rin po kami!" Rinig kong sabi ni Pennelope sa baba. Nakabihis na ako ngayon at pababa na para mag breakfast. Yung dalawa nagkukulitan na naman at si Mama panay yung tawa habang tanaw yung dalawa kong kaibigan.
I can never ask for more. Kahit ito lang, kontento na ako.
"Ano ba kasing bibilhin mo sa bayan?"
Pang-iintriga ni Rye. Napalingon rin ako sa kakaupong Pennelope.
"Basta!"
Hindi na rin naman nangulit si Rye at hinayaan na ito. Ngunit ako yung pinagbalingan at inintriga.
"I think Cloud's interested in you, Lijuan."
Umiling ako.
"I'm not."
There was something about his gaze that makes me feel small. I hate that. I hate feeling inferior. Kaya iiwasan ko siya hanggang sa makakaya ko.
"Hay! Kung ako sayo papatulan ko yo'n!" Nanliit kaagad ang mata ko sa sinabi ni Mariebelle.
Tumulak na rin kami, dala ni Pennelope yung driver nila.
"I'm not up for playing Mariebelle. I have things to do." Oo nga at hindi ko pa nasabi sa kanila ang plano ko para sa kolehiyo.
Saka na siguro kapag Grade 12 na kami. Marami pa namang oras.
"You should loosen up Lijuan. Ang bata mo pa pero hindi ka naman marunong magliwaliw! Get yourself a boyfriend. Fall in love. It's normal!" Sabat ni Pennelope.
BINABASA MO ANG
Poetry of the Sea
RomansaSimula noong bata pa si Lijuan Lithicia Saavedra, she always said to herself na hindi siya magpapabulag sa pag-ibig. Her mom sacrificed a lot to be with his father. Kaya ipinangako niya sa sarili na hindi siya tutulad. She'd be a career-oriented wo...