Kabanata 07
Kneel
Bigla akong nakaramdam ng kaba. I swallow hard for how many times bago ako nagpasyang magsalita.
“E-Excuse me…” I murmured at tuluyang pumasok sa loob. Nagmadali akong pumasok at agad na nagtungo sa may hagdan. Hindi ko man lang tinapunan ng tingin si Kheeno.Nasa paanan ako ng hagdan nang marinig ko ang malakas na pagkakasara ng pintuan, kaya napatigil ako at napaigtad.
“Is that how a wife should act, Arden!? Pagkatapos mo akong piliting pakasalan ka ay kapatid ko na naman ang target mo? What a shameful woman are you!?” Dumagundong ang nang-iinsultong boses ni Kheeno sa loob ng bahay.My heart was beating so loud dahil sa halo-halong nararamdaman.
Bigla akong naiyak, mabuti na lang at nakatalikod ako sa kanya. Ayaw kong makita niya ‘yong sakit na nararamdaman ko. Ang sakit na dulot ng mga ginawa niya. Ang sakit na dulot ng nakita ko kanina.Gusto ko siyang sumbatan. Gusto kong magalit sa kanya, pero alam ko naman na kasalanan ko kaya siya galit sa akin. Naiintindihan ko ang galit niya. Naiintindihan ko kung saan nanggagaling iyong galit at hinanakit niya sa akin.
I was at fault when I forced him to marry me. Kaya wala akong ni katiting na karapatan para masaktan sa mga sinasabi at ginagawa niya sa akin.
“Ano, masarap bang kasama ang kapatid ko, huh, Arden?” sa nang-iinsultong boses ni Kheeno. Hindi ako umimik at nanatiling nakatalikod sa kanya. “Siguraduhin mong hindi ako mapapahiya dahil sa ginagawa mo, Arden, dahil ipaparamdam ko sa ‘yo ang galit na inipon ko kapag nagkamali ka,” dagdag ni Kheeno gamit ang nagbabantang boses nito.A lone tear escaped from my eyes, pero agad kong pinahid iyon.
“I-I’ll go to my room…” I stuttered.
Naglakad ako paakyat at agad na pumasok sa guest room. Agad nag-unahan ang mga luha ko, pagkasara na pagkasara ko pa lang ng pinto. I covered my mouth while crying, para hindi ako makalikha ng ingay.I don't want him to hear me crying, dahil alam kong mas magagalit lang siya sa akin. I was the one who forced him into this situation, tapos ako iyong iiyak-iyak?
Pero ang sakit lang kasi. He accused me of flirting with his brother just because we're together, while he was with Dalia earlier. At kung binigyan lang niya ako ng panahon na makasama siya, sa tingin niya ba ay sasama ako sa kapatid niya para pakalmahin ang sarili ko? He accused me of targeting his brother, after I beg my father to let me marry him!
I want to tell him na kaya lang naman ako sumama kay Rhomisor dahil ayaw kong magmukmok sa planta at isipin ang mga ginawa niya. It’s our honeymoon week pero ang kasama niya ay si Dalia. Paano ako hindi magmumok niyan? He doesn’t even lend a time for me. Our first night as husband and wife, he slept with his ex-fianceé.
Ilang minuto akong umiyak bago ako pumasok sa banyo para makaligo. Sumasakit ang ulo ko kaiiyak at kaiisip sa mga nangyari.
Ayaw kong pagsisihan na hiniling ko na makasal kami, kasi mahal na mahal ko siya. I’ll prove him how much I love him. I’ll show it to him. Ayaw kong sumuko agad, kasi I believe that God doesn’t make us suffer for no reason.
It may take a lot of patience, a lot of overcoming challenges, a lot of moments of despair, and a lot of heartbreaks, but what’s meant for me will always be worth the wait. It will make the painful years a little easier to swallow.
I believe that every challenge, every heartbreak, every setback is meant to get us closer to what’s truly meant for us, because God doesn’t make us suffer for no good reason. ‘Yan ang lagi kong iniisip kaya magtatiyaga ako. I won’t surrender loving Kheeno just because he didn’t love me now—just because he can’t love me now, kasi naniniwala akong mamahalin niya rin ako, hindi man sa ngayon pero alam kong darating din ‘yon, kaya hindi ako susuko.
Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Kheeno na nakaupo sa kama, hawak pa rin ang baso na may lamang alak. Kumabog agad ang dibdib ko. He then looked at me, using his dagger eyes. Nag-uumalpas ang galit sa mga mata nito.
I held my bathrobe tight nang sinuyod ni Kheeno ang kabuuan ko.
“Stop acting like a scared kitten, dahil ito naman ang gusto mo.” Puno nang panunuya ang boses ni Kheeno kaya napayuko ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/228213463-288-k251602.jpg)
BINABASA MO ANG
INTERNAL CRIES - COMPLETED
RomancePlantación de Piña Series#01 Surrounded by love on her family's hacienda, Arden McKenna yearns for Kheeno Jakobe Urzua, a 32-year-old bachelor and skilled agriculturist overseeing their pineapple plantation, to reciprocate her affections. Being nin...