Chapter 3

10.2K 308 2
                                    

Ausha's POV

*RINGGGG Ringggg*

Naalimpungatan ako dahil sa lakas panay tunog ng cell phone ko, hindi ko na minulat dang mga mata ko dahil puyat pa rin ako, kinapa ko ang cell phone sa gilid ng kama.

*Ringgg Ringg—*

"Mmm?" tanging ungol nalang nasagot ko.

"Ausha? Si Tita Flora mo ito," may bahid ng kasiyahan sagot niya sa kabilang linya.

"Hello Tita Flora, napatawag ka po?" antok na tanong ko.

"Mukhang naistorbo ata kita hija?"

"Hindi naman po Tita, kagigising ko lang ano pala 'yon tita?"

"Naku pasensya na sa istorbo Sha, nandito kami ni Paoli sa Ninoy Aquino International Airport, mag pasundo sana kami sa 'yo kung okay lang," nahihiyang sabi ni Tita sa kabilang linya.

Ahm... Nasa Ninoy Aquino International Airport. WTS!

Biglang nabuhay ang tulog kong kaluluwa.

"S-Sa airport Tita? As in sa Ninoy Aquino international Airport?" paniniguro ko, baka kasi nagkamali ako ng dinig dahil sa ka-antukan ko.

"Oo, kaya nga kami mag pasundo eh? Masusundo mo ba kami?"

Napangiti ako, kay tagal ko na rin silang hindi nakikita miss ko na yong si Paoli. "Opo naman Tita give me 15 minutes," nagmamadali kong saad at kumilos na.

Nagmamadali ako bumaba sa kama at tinungo ang banyo upang maligo, dumiretso ako sa shower room at hinubad lahat ng saplot ko sa katawan.

"AHHHHH!" napatili ako sa lamig ng tubig na bumasa sa inaantok kong katawan.

Shuta ang lamig.

Pero wala na akong pakialam kung malamig ang tubig, dahil sa pagmamadali nalimutan kong dalhin ang tuwalya ko.

Tanga Sha, sa lahat ng makakalimutan mo 'yong tuwalya pa talaga.

Buti nalang may extra tuwalya dito sa CR, binalot ko ang tuwalya sa buong katawan ko at pumunta sa salamin dito sa loob ng aking CR. Nag toothbrush na ako at pinatuyo ko ang basa kong buhok na kulay chocolate na taga baywang ko na pala.

Nagmadali akong lumabas sa CR at pumunta sa closet hinayaan kong malaglag ang tuwalya sa sahig, upang lumantad ang hubad kong katawan, kumuha ako ng underwear at sinuot ito, tapos isang XL tshirt nama'y printed na Mine, pinarisan ko ito ng black jeans at snickers.

Nang makuntento na ako sa aking suot sinuklay ko ang buhok ko at naglagay ng kaunti pabango.

At tinungo ang bed side table upang kunin ang car key. Nagmamadali akong bumaba sa hagdan at mabilis na tinungo ang pintuan.

"Hija? Bakit nagmamadali ka? Aba't kumain ka muna," tawag pansin sakin ni Nanay Charlotte, na nag didilig ng halaman sa harapan ng bahay namin.

"Naku hindi na po Nanay Charlotte, nag mamadali kasi ako susunduin ko po si Tita Flora sa airport eh," ngiting saad ko.

"Aba't ganon ba, kung gano'n mag iingat ka sa pagmamaneho, hija?" habilin niya.

"Opo, Nanay Charlotte salamat."

Late ako ng 5 minutes, dahil trapic sa Edsa dahil maraming pumapasok sa kanilang trabaho at eskwelahan, at maraming mga sasakyan ang dumadaan.

Thyro's Temptation (DIS#1)Where stories live. Discover now