Chapter 38

5.8K 101 3
                                    

The Last Chapter

Thyro Raven Madrigal POV's

ONE month mula ng mangyari ang malagim na trahedya sa bangin. Dalawang buhay ang nawala at nanganganib pa ang isang buhay.

Nang sabay na mahulog sa bangin si Lance at Ausha ay para na rin akong nalagutan ng hininga. Sinubukan ko rin tumalon upang sundan at iligtas si Ausha ngunit maagap akong pinigilan ng mga Pulis. Agad na dumating ang Rescuer sa lugar at nag conduct ng rescue operations sa lugar sa baba ng bangin sa baybayin nito.

Halos isang oras ang tinagal bago nahanap ang katawan ni Lance na palutang-lutang sa hindi kalayuan, isa na itong malamig na bangkay ng makuha ng mga rescuer. Twenty minutes naman ang tinagal bago nila nahanap ang katawan ni Ausha na palutang-lutang din.

Para akong nanghihina habang dinala siya sa pangpang, pinulsuhan siya ng rescuer, sinuri nila ang katawan niya.

Kusang kumawala ang luha sa aking mga mata,
Nanlabo ang mata ko, kahit paika-ika ay lumapit ako at lumuhod sa harap niya at hinawakan ang malamig niyang kamay. "M-My... Ausha, wake up p-please don't leave me  please," pakiusap ko habang pinatakan ng halik ang malamig niyang kamay.

"May pulso pa siya!" imporma ng rescuer.

Agad naman nilang ginawa ang trabaho nila, CPR nila siya habang inusisa ang ilang parte ng katawan nito, violet na ang kulay ng kaliwang binti nito, puros dugo ang damit niya ngunit medyo pusyaw na dahil naalis ito ng tubig dagat. Agad kaming dinala sa Hospital, same ambulance ang sinakyan namin, dahil ayaw ko siyang iwan, ayaw ko siyang mawala sa paningin ko at higit sa lahat ayaw kong mawala ang Baby namin.

God I don't know but I'm shocked ng malaman kong ako ang Ama ng dinadala niya, I'm glad, walang sapat na salita ang magpapaliwanag kong gaano ako kasaya na magiging Daddy na ako sa wakas. Pero ngayon ay nangangamba ako sa kalagayan nila, hindi ko hahayaan na mawala kahit isa sa kanila.

Walang tigil ang panalangin ko na sana ay iligtas sila, hindi ko kakayanin na may mawala sa kanila. Pagkarating namin sa Hospital ay agad na dinala nila kami sa emergency room, hinarangan ako ng ilan Nurse at Doctor ng subukan kong sumunod sa Operating Room kung saan nila pinasok si Ausha.

"DAMN! LET ME GO, MY GIRLFRIEND NEEDS ME!" pagwawala ko, marami naring nakatingin sa 'min but damn I don't fucking care.

"Hindi po pwede Sir, kailangan n'yo po munang magamot!" sabi ng isang Doctor na humarang sa akin.

"Wala akong pakialam, ang Girlfriend kailangan niya ako, pati na rin ang Baby namin, damn save them, please!" umiiyak kong makaawa habang pinipilit na kumawala sa pagkakahawak nila.

"We will do our best to save them both sir, calm down hayaan mo gamutin kita, ang mga co-doctors ko na ang bahala sa kanila," kalmadong aniya pa.

"Please save them, please, please..." pagmamakaawa ko habang nakatingin sa pintuan na pinagdalhan nila kay Ausha ang OR (Operating Room).

"Don't worry, my co-doctors will save them sir, ngayon kailangan muna naming gamutin ka, medyo malala ang kalagayan mo sir."

Mahirap man sa loob ko ay hindi na ako nagpumilit pang pumasok sa OR kung nasaan ang Girlfriend at Baby ko.

Ginamot na nila ako, tinanggal ang balang nasa braso ko at nilagyan ng gasa ang ito. Dumating din sila Cassius at Ashish ng mabalitaan ang kalagayan ko. Bumili sila ng pagkain ngunit wala rin akong ganang kumain hanggang hindi ko nalalaman kung okay lang ba ang mag-ina ko, sila ang inaalala ko ngayon. Lumipas na ang isa't kalahating oras ay wala pa rin kaya lubos akong nagaalala sa kanila.

Thyro's Temptation (DIS#1)Where stories live. Discover now