Chapter 31

4.5K 96 0
                                    

Warning: Spg. Matured content not for 17 and below please skip this part. Read at your own Risk.


Ausha's POV

NANG MATAPOS kaming kumain ng tanghalian ay saglit na nagpaalam sa akin si Thyro. Dahil may importante daw siyang gagawin. Umuwi muna ako sa mini house niya upang kunin ang wallet at cellphone ko. Mabuti nalang at mayroon siyang spare black key card niya na binigay niya kanina.

Nilakad ko na dahil malapit lang naman ang Mini house ni Thyro ang Desire Restaurant kung saan kami kumain. Hindi ko pa rin maiwasan ang humanga sa mini house niya. Napaka elegante nito at kahanga-hangang ang pagkakagawa, halatang ginastusan ng malaki.

Pagkapasok ko ay tinungo ko agad ang ikalawang palapag ng bahay niya, mayroon dalawang pintuan, sa kanan at kaliwa. Mayroon ding terrace na makikita mo ang buong Desire Island, glass door ito mayro'n lamesa at dalawang upuan meron din palang couch doon.

Una kong binuksan ang nasa kaliwang pintuan, isa ito guest room, mayroon malaking kama, kabinet at isang pintuan, it must be a bathroom. Mayroon din itong mini terrace at katulad ng malaking terrace, glass wall din ito na mayroon nakasabit na dalawang puting kurtina. Tinungo ko naman ang kanang pintuan, hindi tulad ng sa kaliwa ito ay malaki at malapad. Nasa tabi ng king size bed ang mga maleta ko.

Mayroon ng dalawang pintuan sa palagay ko ay bathroom kaya tinungo ko ang isang pintuan, isa pala itong mini dressing room, kompleto ang mga kagamitan ni Thyro, mula sa mga Suit, Tshirt, Pants, Shoes, Watch and so on.

Kinuha ko ang wallet at cellphone ko at umalis ng mini house niya, sinigurado ko ding sarado. Tanghaling tapat pero hindi mainit sa balat ang sikat ng araw, karamihan ng puno dito at coconut trees at Talisay trees.

Maraming naliligo ngayon sa dagat 'yong iba ay nag mo-motor boat at naghahabulang, topless ang mga lalaki samantalang naka two piece bikini naman ang mga babae maraming foreigner din pala ang nagbabakasyon dito.

Una kong nadaanan mini shop ay yong dress shop. Walang alinlangang akong pumasok doon. Kailangan ko na rin bumili ng bagong damit matagal-tagal narin yong huli kong bili. Mas magandang bumili ako ng bago para may masuot ako, sa dinner date namin ni Thyro mamaya.

Lumapit agad ng sales lady ng makapasok ako sa shop.

"Magandang tanghali, ma'am." nakangiting salubong ng sales lady sa akin.

I smiled back. "Magandang tanghali rin, mayroon ba kayong beach dress?" I asked while scanning the whole shop.

"Yes Ma'am, follow me."

I followed her. Hindi mawala ang mga ngiti ko habang pumipili ng damit na gagamitin ko mamaya, maraming magagandang dress at elegante ngunit mayroong isang simpleng dress na nakaagaw ng atensyon ko. Isa itong beach dress kulay pula ito, agad kong kinuha at sinukat ito at napaawang ang labi ko ng humarap ako sa salamin.

Hanggang tuhod ko ito, walang manggas at hindi rin revealed ang dibdib, I know Thyro mad at me kapag reveal ang damit na susuotin ko he hate it. Mas lumabas ang maputi kong balat dahil sa pulang dress, nakawagwag lang ang buhok ko muling umikot ako at sumabay din ang dress, I love it.

Bumalik ako sa counter at dala ang damit na bibilhin ko, inasikaso rin agad ni Miss Flore ang dress.

I know her name dahil sa name tag na nakasabit sa damit nila.

She looked at me with a smiled. "5,000 pesos po ma'am," saad niya at inabot sa akin ang dress na nakabalot.

Kinuha ko ang wallet na nasa shoulder bag ko at binigay sa kanya ang 5,000 pesos.

Thyro's Temptation (DIS#1)Where stories live. Discover now