Chapter 37

4.3K 83 3
                                    

Lance's POV

ININOM ko lahat ng alak na sa baso, wala akong tinira kahit isang patak, baliwala ang pait nito sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang sirang plaka na paulit-ulit na nag echo ang na pag-usapan namin ni putang-ina kong pinasan.

Imbis na kasiyahan ang aking naramdaman dahil buntis ang asawa ko ay poot at galit, galit sa kanya sa kanila.

Muli akong nagsalin ng alak sa baso noong nakalahati na 'yon ng laman nilagyan ko 'to ng Ice, inikot-ikot ko ang baso nag halo ang alak at Ice na unting-unti natunaw muling bumalik sa alaala ko ang naging usapan namin.

Dito ako dumeretso sa Desire Club mula sa mansion ko, I hurt my wife because she's cheating on me. Nagawa pa talaga niyang mag cheat sa 'kin at sa pinsan ko pa talaga!

Tinawagan ko ang ilan sa mga kabarkada ko at niyaya silang uminom, I want to forget this temporary by drinking hard drinks. Alas cinco palang nang madaling araw, pero mayro'n pa rin nag-iinuman at nagsasayawan. Nakaupo kami sa pabilog na upuan at sa gitna nito ay lamesa, maraming hard drinks at pulutan ang na sa harapan namin. Mula alas kuwatro hanggang ngayon ay nag-iinuman pa rin kami.

Nakakaapat na bote palang kami ng Whiskey ay tumunog ang cell phone ko, nagpaalam muna ako sandali para lumabas at sagutin ang tawag, kahit alas cinco palang ng umaga ay medyo maliwanag na rin, medyo marami na ang mga taong pumupunta sa bar.

Nang makalabas na ako sa bar sumandig ako sa bumper ng kotse ko bago sinagot ang tawag niya.

"What do you want?"

"Nasa ospital ngayon ang asawa mo, dinala ko, dammit pinsan anong ginawa mo sa kanya?" he angrily asked.

Nangunot ang noo at nagtangis ang aking panga sa galit sa kanya, ginulo ko ang aking buhok at tumikhim. "It's none of your bullshit business. What happened to my wife huh?"

"It's my business pinsan, I care for her. She's fine right now, where here in ***** Hospital. Come here, we need to talk. And congrats pinsan, your wife is pregnant."

Nangunot ang aking noo, niluwagan ko ang aking necktie ng suit ko, feeling ko nasasakal ako nito. "What did you say?"

"She's 1 month and 1 weeks pregnant, congrats pinsan magiging Daddy ka na," may pait sa boses niyang sabi.

Sandaling huminto ang aking paghinga, hindi ko alam kong tama ba ang aking narinig, gusto ko ulit ito kumpirmahin kung tama ba, baka ako pinag laruan ng aking pandinig, dahil may tama na rin ako ng alak.

"What?"

"Your wife is 1 month and 1weeks pregnant congrats," pag uulit niya medyo malakas na kumpara kanina.

Doon na ako napakapit sa bumper ng kotse, 1 month and 1 weeks pregnant? My wife is 1 month and 1 weeks pregnant? Maybe the findings of the doctor is wrong? Cause I remember the last time I touch my wife is 22 of September and the other one is 26 of September, how could that she's pregnant without me?

Napantig ang aking tainga, sa simula palang ay nahahalata ko na ngunit ipinag sa walang bahala ko lamang, dahil una may tiwala ako sa asawa ko na hindi niya ako lolokohin at pangalawa ay hindi magagawa ng pinsan ko na pumatol sa asawa ko, dahil hibang pa rin sa kanya ang kanyang ex fiancée niya, pero ngayon kumpirmado ko na, all this time harap-harapan na nila akong niloloko, putang ina, mapapatay ko talaga 'yang pinsan ko tulad ng pag patay ko sa kanyang Ama.

Bumalik ako sa loob ng bar, akmang iinumin na ni Mico inagaw ko ang whiskey walang pag-aalinlangang ininom 'yon.

"Bro easy bakit ang init ng ulo mo?" tanong ni Mico habang kumuha ulit ng panibagong baso at nag salin muli ng whiskey.

Thyro's Temptation (DIS#1)Where stories live. Discover now