Prologue

23 4 0
                                    

Prologue

/Flashback/

"HELLO ANAK, KAMUSTA KA DYAN" sigaw saakin ni mama sa kabilang Linya. Halos mabitawan ko ang cellphone dahil sa pagsigaw niya.

"Okay lang naman po ako Mama, nahihirapan lang po akong mag-adjust sa Environment and sa bagong school ko." Masayang sabi ko kay mama.

" Pagbutihan mo ha? Lalo na ang mahal ng tuition ng paaralang pinasukan mo, Annah" narinig kong naging seryoso ang pagkakasabi ni Mama. Huminga nalang ako ng malalim

"Opo mama, pagbubutihan ko po, hinding hindi ko po kayo bibiguin." Sagot ko naman.

"Tatandaan ko yan, sige na mag ayos kana at maging masipag ka dyan sa bahay ng Tita Cath mo." Pagkasabi niya ay pinatay niya na ang tawag.

Bumuntong hininga nalang ako at nagsimula na akong ayusin ang mga gamit ko. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay pumasok na agad ako ng banyo para maligo dahil ang baho at anlagkit na ng katawan ko.

Ano kaya ang mangyayari saakin sa bagong paaralanan ko, sana naman walang mambully saakin.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako, pinili ko ang color white na oversized tshirt tapos isang katamtaman na ikli ng short na maong. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para kumain.

Habang pababa ako nakita ko ang tita ko na naghahanda na ng aming makakain.

"Halika na Annah at kumain kana, damihan mo ang kain at baka kung mamayat ka at magalit saakin ang mama mo." Pabirong sabi saakin ni tita.

Tumawa nalang ako ng mahina at bumaba na at kumuha ng plato at kutsara para makapagsimula na akong kumain.

"Ihahatid kita bukas ha, kaya agahan mo ang gising mo." Sabi saakin ni Tita habang kumakain kami. Napatingin naman ako sakanya at tumango nalang.

"Dapat 4:00 AM gising kana, alam mo bang andaming gwapo don sa school na papasukan mo at halos lahat don ay mayayaman at may mga milyonaryo kaya dapat maganda ang damit mo bukas."

Halos mabilaukan ako sa mga sinabi ni Tita.

"Oh, tubig ano ba namang bata to."

Napakamunot ako sa ulo ko " Eh Tita, wala naman po akong pake-alam kahit maraming gwapo at magaganda na mga mayayaman sa papasukan kong paaralan, tska nag aral po ako don para sa future ko po at para matulungan ko po yung mga pamilya ko sa probinsya." Nakangiting sabi ko kay Tita, nakita ko naman na nagbago yung expression niya, biglang nainis ang mukha.

"Ano ka ba namang bata ka, ang boring naman ng buhay mo HAHAH"

Okay lang ba ang tita kong to? Halos magkaiba sila ng mama ko.

"Kumain kana Annah, at matulog ka ng early, wag mong sabihin kay mama mo lahat ng sinabi ko sayo, baka kong isipin non bad influence ako sayo, AHAHAH"

Seryoso? Teenager ba tong tita ko?

Nagpatuloy nalang kami sa pagkain at ng matapos na ay hinugasan ko na ang aming pinagkaininan at umakyat na ako ng kwarto.

"Annah Ito nga pala yung baon mo at uniform mo para bukas." Sabi saakin ni Tita

Hindi manlang siya kumatok bago pumasok hay!

TING!

"Oy Bff, kamusta ka dyan sa Manila ah? Maganda ba yung manila ha?" Chat saakin ng Bff ko.

"Oo naman, kaso hindi pa ako nakakalabas ng bahay eh."

"Mag Picture ka bukas ah! Lalo na yung bago mong school picturan mo para makita ko rin HAHAHAH."

"Oo na nga Deytha HAHAHAH "

Maraming pangchinat yung bff ko saakin pero wala akong balak na iseen kasi pagod na pagod na ako at tinatamad akong magtype.

/End of Flashback/

Napangiti nalang ako na may halong lungkot ng maalala ko mga yung araw na excited akong pumasok sa bagong paaralanan ko.

Kaso iba na ngayon, kong pwede lang na di ako pumasok ay gagawin ko, pero kailangan ko dahil maraming umaasa saakin. Napabuntong hininga nalang ako at tska humiga sa kama ko para matulog.

Author's Note!

Lahat ng character, events o maging kong ano man ay sadyang kathang isip lamang at walang katotohanan kong may mga pangalan mang nabanggit ay inisip ko lamang iyon at di ko sinasadya na mayroong kapareho Maraming Salamat!

Kung may mga wrong typing man ako, intindihin niyo nalang thank you!

Follow me on:
Facebook : Jonnah Ala
Instagram : Jonnah_vega_ala

Being a Senior Highschool StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon