Chapter 5

3 3 0
                                    

Annah's Pov

Nagmamadali akong lumabas ng classroom at nag tungo muna ako cr para umihi.

Pagkatapos kong umihi ay naglakad na ako palabas ng Cr, habang nasa corridor ako para makalabas ng building ay nagchachat na ako kay Tita para masundo niya na ako.

Napansin kong may tumingin saakin kaya inilinga ko ang paningin ko, nakita ko ang mga classmate kong nagkukumpulan sa kabilang side ng corridor

Ano kayang ginagawa nila don?

Ng walang ano ano ay...

WTF?

"HAHAHAH, putcha color pink, baboy na baboy pre, HAHAHAHHAHA"

"HAHAHAH LT"

"GAGO HAHAHAHHAHA MUKHANG BABOY NA TALAGA."

"BAGAY PALA ANG KULAY PINK SAYO HAHAHAHHA"

May biglang bumuhos saakin ng pintura galing sa second floor.

Ano bang ginawa ko para gawin saakin to?!

Nangigilid ang luha kong tumakbo pabalik sa banyo at doon ako umiyak ng umiyak.

Ano bang problema nila at nagawa nila saakin yon? Patuloy parin ako sa pag iyak ko ng may biglang kumatok sa pintuan ng banyo.

"May tao po" sagot ko habang pinupunasan ang pisnge ko na namasa dahil sa luha.

"Alam ko, meron akong dalang damit, for sure kasya naman sayo to."

Sino naman kaya to?

Dahan dahan akong tumayo, at pinagbuksan ko ng pinto.

Ang ganda niya, maputi, sexy tapos ang haba ng buhok niya halatang halata din ang mga kumikinang niyang necklace at bracelet.

"Nakita ko ang nangyari kaya, pumunta agad ako sa locker ko para kuhain ang damit kong extra at ibigay sayo, I know you need this." Nakangiting sabi nito saakin.

"Salamat, pero baka di saakin to magkasya." Nahihiyang sabi ko sakanya.

"Kasya yan promise!" Nakangiting sabi nito saakin. "Bilis na magbihis kana, hihintayin kita dito sa labas."

Ngumiti nalang ako at pumasok na ko sa loob ng banyo para magpalit ng damit, nagkasya naman saakin ang damit dahil oversized ito.

Paglabas ko ay andoon siya nakita kong nakaupo habang nagcecellphone

Iphone 13 pro max? Grabe ang yaman niya!

"Hi, salamat nga pala dito sa damit mo" sabi ko.

"Ow andyan kana pala, its alright ano ka ba hihi"

Ang bait naman niya.

" Salamat talaga "

"By the way I'm Pauline" nakangiting sabi nito saakin, "And you're Annah? Right?"

Ngumiti ako at tumango.

"Uhm Annah, Gusto talaga kitang maging friend, alamo bang classmate tayo?"

What? Classmate ko ang isang to tapos di ko alam ganon na ba talaga ako katutok sa pag-aaral ko?

"I know di mo ko napapansin pero the first time I saw you I really want you to be my friend." Sabay yakap saakin

"Okay lang naman saakin yun."

"Yey! From now on you are my Bestfriend!" Nakangiting sabi nito saakin sabay hawak sa braso ko.

Bestfriend? Akala ko ba friend lang

Being a Senior Highschool StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon