Chapter 2

9 4 0
                                    

Jericho Reys POV

"Gagi pre bat mo ginawa yun?" Tanong saakin ni Mackie, di pa ako makaget over doon sa nangyari kay taba.

Kadiri!

"Sana sinabi mo nalang sakanya ng patago kesa naman sa pinahiya mo siya." Sabi ulit saakin ni Mackie.

"May gusto ka ba sa matabang yung Mackie?" Naiinis na tanong ko.

"Grabe ka makadefend ah." Dugtong ko pa.

"Syempre pre wala! Ganon na ba ako kacheap ha? Haha pero mali kasi yung ginawa mo." Sabi sakin nito.

"Alam niyo kayong dalawa tumahimik na kayo at makinig nalang kayo kay Ma'am." Sabi naman ni Liam, Si Liam talaga ang pinaka mabait saaming magbabarkada.

Nagdiscuss pa si Ma'am ng Nagdiscuss pero hindi na ako nakinig dahil tinatamad ako.

"Class Dismissed"

"Dre punta tayong canteen" Tanong saakin ni Liam.

"Ha?" Wala sa sariling ko tanong pabalik.

"Anong Ha? Sabi niya pupunta daw tayong canteen kasi nagugutom na kami." Nang aasar namang sabat ni Mackie.

"Sige sige." Di na ako nag salita pa at nauna na akong maglakad sakanilang dalawa.

"Oy tingnan niyo si Echo parating hihi" kinikilig na sabi ng babae halos kumulo ang dugo ko ng marinig ko ang salitang "Echo"

Tumigil muna ako saglit at dadahan dahang lumapit don sa babae.

"Anong sabi mo?" May pagbabanta kong tanong sakanya, pero hindi siya sumagot.

"Sorry Jericho!" Halos maiyak na ang boses niya.

"Oy pre! anong ginawa mo dyan?" Natatawang sabi ni Mackie.

Andyan na pala sila.

" Kasi tinawag ko siyang Echo." Sagot ng babae kay Mackie, hindi na ako nagpapigil ng bigla ko siyang itinulak.

"Kapag narinig ko pa ulit yan sayo or kanino man dito na sinasabi ang nickname ko, di ko alam ko anong magagawa ko sainyo." Pasigaw na sabi ko at umalis na ako. Halos manginig naman sila sa sinabi ko

Nagmamadali na akong pumunta sa Canteen dahil nagugutom na ako, hindi ko na inintay pa si Mackie at Liam dahil naiirita ako sakanila.

/Canteen/

Pagpasok na pagpasok ko ay nakita si Taba hindi na siya naka uniform naka civilian na.

"Oy taba" sigaw ko

Pero di niya ako pinansin, aba naman ang kapal ng mukha akala niya siguro maganda siya.

Lumapit ako sakanya at nakita kong kumakain siya ng Chocolate Cookies.

"Alamo taba, dapat hindi kana kumakain." Natatawang sabi ko, pero hindi niya ako pinansin.

"Oy Tab-"

"Ano ba Jericho? Di mo ba nakitang nag-aaral ako ha?, Halos ipahiya mo na ako kanina tapos ngayun guguluhin mo ko ulit? Anong problema mo ha?." Malakas ang boses na pagkakasabi niya non kaya naagaw namin ang atensiyon ng nga estudyante na kumakain sa Canteen.

" Aba? Kaya mo na akong labanan?" Natatawa kong tanong.

Nakita ko ang Juice sa harap niya at bigla ko iyong ibinuhos sa kanya. Narinig kong nagtawanan ang mga estudyante.

Being a Senior Highschool StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon