Chapter 4

3 3 0
                                    

Annah's Pov

Andito ako ngayon sa Library, dahil lunch time naman, di na ako pumuntang canteen dahil alam kong aawayin lang ako don. Dito nalang rin ako kumain. Alam kong bawal kumain sa loob ng library kaya nasa tagong parte ako ng library para di ako makita.

Habang kumakain ako ay di ko napigilang isipin na di ako binully ngayon ni Jericho.

Siguro na dala siya na sa nangyari kahapon.

At masaya ako dahil doon, alam kong simula ngayun ay magiging tahimik na ang buhay ko siya lang naman kasi talaga ang nagpapagulo.

Malapit na ang class namin this afternoon 12:45 pm na, magbabasa nalang muna ako para pag nagtanong mamaya yung teacher namin is may maisagot ako.

Habang nagbabasa ako ay di ko na namalayan ang oras, narinig kong nag bell na. Tumayo na ako at nagtungo sa room.

/CLASSROOM/

Pagpasok ko sa room ay nakaupo na ang mga kaklase ko. Nakita ko naman na ang sasama ng nga tingin nila saakin pero di ko na pinansin yun

"Look at her, ang taba niya " natatawang sabi ng isa kong kaklase.

Porket sexy kalang!

Narinig kong nagtawanan ang mga kaklase ko pero di ko na iyon pinansin at umupo nalang

Magaganda nga kayo pero pagdating naman sa studies natatanga kayo.

Gusto kong sabihin yun sakanila pero di na ako nagsayang ng oras pa.

Wala pa dito ang tatlong asungot kaya nag-nap muna ako sa arm chair ko.

Ang boring wala akong kausap, wala manlang akong kasama sana andito nalang si Deytha for sure magiging masaya yon.

Hays! Gusto kong maiyak sa naisip ko, ang saya saya ng buhay ko sa probinsiya, pero dito parang impyerno. Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

Gusto kong umuwi!

Pinunasan ko nalang ang luha ko at di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Tulog.

Tulog.

Tulog.

"Oy taba" sabay yugyug saakin.

Sino naman kaya to nakakainis bwisit.

"Ano ba?! " Inis na sigaw ko

Nakita kong nagulat si Jericho sa pag sigaw ko pero unti unti din yun napalitan ng matatalim na titig.

"Miss Yalle? Are you sleeping in my class?" Galit na tanong saakin ng teacher ko. Kong di ako nagkakamali boses yun ng terror teacher namin sa mathematics.

Unti unti akong tumingin sa harapan nakita kong galit na galit si Sir.

Napayuko nalang ako at di na nagsalita.

"How could you? Ganyan kana ba talaga katamad? Ha?" Tanong ulit saakin ni Sir.

"Nako! Masasabon si Taba nito haha"

"Oo nga, scholar na nga dito tapos tamad pa."

Naririnig kong bulungan nila.

" Stand Up!" Sigaw ni sir.

Gusto kong maiyak, sa pagpapahiya saakin ni Sir pero alam ko naman na mali ko talaga.

Bat ba kasi ako nakatulog

"Natutulog ka ba sa klase?" Tanong ulit ni Sir.

"Yes sir." Napapahiyang sagot ko.

Narinig ko naman bumuntong hininga si Sir.

Being a Senior Highschool StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon