Chapter 10

9 0 0
                                    

Annah's Pov

Umaga na naman at kailangan ko na agad na mag ayos ng gamit ko dahil baka malate ako sa klase ko, naligo na kaagad ako at tska nag bihis. Pero nalulungkot ako kasi hindi manlang nagchat si mama saakin o nangamusta. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nagchat ako kay mama

"Mama? Kamusta po kayo dyan? Pasensya na po at ngayon lang po ako nakapagchat sainyo, I miss you po at ingat po palagi" - Sent

Bumaba na ako pagkatapos kong maligo at magbihis.

"Annah, gagamitin mo ba yung bagong kotse mo? Ipapahatid kita sa Driver natin" nakangiting tanong ni Tita saakin.

"Ayoko Tita, gusto ko kasi na ako ang magdadrive kaya sa susunod nalang po kapag marunong na ako."

"Sige ikaw bahala, ang gusto ko lang naman kasi is makita yun ng mga classmate mo para mainlove sila sayo HAHAHAHAHHAH"

Napatingin ako kay Tita, ano bang problema ni Tita sa buhay niya at naisip niya ang mga ganong bagay?

"Ano po bang sinasabi mo tita?" Naiinis na sabi ko.

"Umalis kana nga HAHAHA, wag ka ng kumain dito, ito nga pala yung credit card ko, you can use it kahit anong bilhin mo okay lang, enjoy"

Inabot niya saakin ang credit card niya at tinalikuran na ako

Ang weird naman yata ni Tita ngayon.
Napatingin ako sa hawak kong credit card

Platinum Credit card?!

Ano bang trabaho ng Tita ko at mayroon siyang ganitong credit card?!

"Iha hindi ka pa ba aalis?" Halos mapatalon ako ng may biglang nagsalita sa Likod ko. Isa itong matangkad na lalaki na nakasuot ng suit.

"Sino po kayo?"

"Ako ang maghahatid at magsusundo sayo sa school"

So Driver siya? Pero di siya mukhang driver.

"Ah okay po"

"Halika na at ihahatid na kita baka kong malate ka pa"

Nauna na itong mag lakad at sumakay sa kotse.

"Ano pang ginagawa mo riyan iha?"

Dali dali akong sumakay ng kotse, habang papunta kami sa school at tahimik lang akong nakatingin sa mga gusaling nadaaanan namin. Malayong malayo ang lugar na to sa probinsya. Walang malalaking gusali at mga sasakyan kang makikita sa lugar namin, pero dito halos lahat yata ng tao naka kotse na..

Nakakamiss sa probinsya, kamusta na kaya sina mama don. Di pa rin siya nagrereply sa chat ko.

"Iha andito na tayo" napatingin ako sa driver ng magsalita ito

"Ano pong pangalan niyo?"

"Philip ang pangalan ko" nakangiting sabi nito saakin.

"Maraming salamat po sa paghatid Manong Philip, paki sundo nalang po ako mamaya pag 5:00 pm" pagkatapos kong sabihin iyon at bumaba na ako ng sasakyan at nagtungo sa room, pero bago ako makarating ng classroom ay nakita ko ang mga classmate kong nagkukumpulan. Lumapit ako para makita ko kong ano ang dahilan.

"Ano bang problema mo!!"

"Ikaw ang problema ko, naintinidihan mo ba?" Nakita kong umiyak ang babae ng sambitin iyon ni Jericho.

Kahit kailan napaka-insensitive ng taong to

Umagang umaga ang dadrama ang mga estudyante dito, bakit di nalang pag-aaral atupagin nila?

"Kawawa naman si Thiena"

"She deserved it, akala niya kasi seseryosohin siya ni Jericho"

"O come on, deserved niya lahat ng yun dahil napaka-assuming niya"

Being a Senior Highschool StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon