part 2 of practice, sinasabihan ng mama na bawal siya mag paskuhan pero tatakas sila.
Zero's.
Dumaan muna ako sa bahay ni Kuya Pau before meeting the band members to update them kung anong nangyari kahapon.
" Si Kuya? " tanong ko sa maid niyang nag wawalis sa entrance door.
" Ay good morning Sir Zero! Nasa office room niya po. " Masayang bati nito.
" Ay tita Agatha, don't add 'sir' on my name. 'Ro nalang po. " She nodded as she guided me to go in.
Naaalala ko lang si mom sa kaniya. Kasing edad ata niya to. Same uniform, malumanay and pala ngiti.
Sabi ni mom she was once a maid in the Vichae's family but then dad fall in love with her.
" Kumain ka na ba, sir- " I look at her pouting as she brings out the 'sir'.
" Nako, kamukha mo talaga si Mama mong Azalea. " mahinang kurot niya sa akin.
" Luh, sabi nila sa dad ko daw nakuha tong mukha eh. " ngiti ko sa kaniya.
" Ay! You smiled iho! " Gulat niyang takip sa bunganga at agad akong niyakap. I heard her sniff and wipe her nose.
" I get to see your smiling face, nak. I know it must been hard for you.. " she let go of the hug and look at me dearly with those teary eyes.
" I barely live po. " simpleng sagot ko.
" You didn't contact me, nor your friends nung umuwi kayo dito hanggang sa mamahinga mga magulang mo. " haplos niya sa balikat ko.
" I told your mom na ihabilin ka sa akin eh! But look at you now binata ka na. " she proudly smiled at me.
Lalo kong namimiss si mom. The way she comforts me, the way she was proud in every little achievements I make and she was once my motivation pero nasaan na?
" Bakit po pala trinansfer kayo dito kay kuya na house? " usisa ko.
" Dapat ififire na ako sa lola mo kasi nabasag ko yung pinakamamahalin niyang florera eh. Hindi ko naman sinasadya pero ayun saktong dumating si Sir Paulo at kinuha ako bilang katulong niya. Alam niya naman na dito nalang kami nabubuhay ng pamilya ko. " Papalapit na papalapit na kami sa office room ni kuya.
" Ang bait nga ni Sir Paulo e. Alam mo ba lagi ka niyang kinekwento at inuusisa. "
Pft..ang peke.
Hindi na ako nag salita at tumango nalang.
" Oh siya, maiwan na muna kita ha. May gagawin lang ako doon. Pag may kailangan ka, kailangan ng kausap o ano man- ay ito saglit. " Kinuha niya yung cellphone niya at ibinigay sa akin.
" Lagay mo yung cell number mo nak! Para makamusta man lang kita. " A sincere smile form on her face. She looks tired pero masaya.
I got her phone and put my cellphone number.
" Salamat 'ro? Ingat ka palagi ha! Mag tetext ako sayo para may makausap ka din. Nandito lang ako. " Muling rub niya ng likod ko as a comfort bago tuluyang maglakad papalayo sa akin.
" What are you talking about ijo! I'm really helping that brat! " A weak voice echoed through the hallway.
" It doesn't seems like it Grandma! " Habang papalapit ako, mas lumalakas yung dalawang pamilyar na boses.
" Bakit mo kailangan tulungan yung isang anak ng demonyo Paulo?! "
' Demonyo? '
" Nabuntis lang naman ng dad mo yang nanay ni Zero na magnanakaw kaya pinakasalan! "
I stopped my track habang nakikita ko yung dalawa sa maliit na awang ng pintuan nito.
" And you my mom to rape our dad para itigil ang kasal pero look who made it more complicated. " medyo taas ng boses ng lalaki.
" What I wanted naman kasi apo, eh yung mawala yung pangalan niyang nakakabit sa pamilyang to. Look sayo ko parin naman ibinigay ang katungkulan mo. You are my favorite and responsible grand child. "
" Pero kapatid ko siya ma! Siya talaga yung mahal ni dad sa aming dalawa. "
" Pero anak siya ng demonyo! He's also the devil itself! Hindi po ba nakita? Ilang beses niya na ako ipinahiya even sa harap ng madaming tao sa school niya. "
" Enough. "
" Look, lahat ng inaangkin at minamamahal niya nawawala! Yung kapatid niya, nagkasakit at namatay, yung kasama niya laging kasambahay namatay rin sa accident! And even his friends sa US, siya may kasalanan kung bakit nadisgrasya sila. And how he adores his mom than his dad- "
" Ma I said enough. "
" And that's how I took his mom away. "
" Pero sinama mo si Dad! "
" Nadamay lang siya Paulo! Kasalanan yun ng bruha niyang nanay. "
I step back ng marinig ko lahat ng pinag uusapan nila. I felt numb and my hand turned to a ball fist.
" Naging malas tong pamilya dahil sa mag inang yan. "
" Can you just accept him as your grandchild? Wag mong idamay yung bata. Wala siyang kasalanan. "
" Kung hindi naman siya anak ng demonyitang yun, walang problema. Edi sana mag kasama silang namatay non at hindi ang dad mo. "
This is too much, I'm being fed up.
Ilang araw nalang naman...sasagarin ko na.
" Edi dapat tinuloy mo akong patayin. " Bara bara kong pasok sa loob ng kwarto hindi iniisip kung nakakabastos or kung ano.
" Kanina ka pa pala nandito, you should have texted or called me- "
" You killed my mother, ma. " I walk nearer to grandma ng nanginginig sa galit. I gritted my teeth and clenched my fist ng sigawan ko siya.
Look how psychotic she pulled off the frightened face nung pumasok ako. Parang inosenteng walang kasalanan ha.
" Zero- " awat sa akin ni kuya Paulo
" Totoo naman diba?! I just heard it! Pinatay mo din yung sarili mong anak. How lunatic are you na patayin pati anak mo. "
" It's because of your mom! Hindi na dapat kayo nakisali sa buhay namin. "
" Pinatay mo yung pinakamahalang tao sa buhay ko. You are a murderer! "
" How dare you call me murderer?! Tandaan mo ako ang nag bibigay sayo ng allowance mo. "
" But you are! " My voice cracked ng lumalim ang paghinga ko. Naiinis, naiirita, naiiyak.
When a cold pale palm landed to my left cheek na ikinawala ko ng balanse.
" You are a cursed, a disgrace tulad ng nanay mo! Hindi na sana kayo naging kapamilya ko. Malas, salot na nga bastos pa! "
My cheeks felt a burning sensation ng napalitan to ng manhid.
Gusto ko pa siyang sigawan, gusto kong siyang saktan, mag wala, umiyak sa oras na 'to pero wala e, hindi naman mabubuhay yung taong iniintay kong bumalik pag ginawa ko yun.
I turned to face her fiercely habang nag lakad pa ako ng mas malapit sa kaniya. Waters are forming from my eyes, my vision was blurry that made me difficult to see her clearly, but I was focusing on my breath and bit my lips stopping myself from crying.
Hindi ko pwedeng ipakitang umiiyak ako sa harap nila. I will just look weak and fragile. They don't deserve to see these tears.
Pero wala e, wala akong laban. Anak lang ako ng isang katulong na napunta sa pamilyang to.
Anytime soon, pwede niya akong ipapatay like how she did to mom pero hindi pwede. May dapat pa akong gawin. Kailangan pa ako ni Vivre...
Hindi ko na kinaya. My tears betrayed me. Dahan dahan ng pumatak yung luha ko while clenching my jaw and widen my eyes as I threaten her. Dumodoble na yung pangingin ko sa kaniya sa tubig na inilalabas ng mapupungay kong mga mata.
She killed the person whom I love the most. My inspiration, my greatest comfort, my supporter and my anchor. Tinanggalan niya ako ng kakampi, ng kadamay, ng pamilya.
Yung tipong wala ng sumasalubong na yakap sa pag uwi ko sa nakakapagod na araw. Yung makikinig sa oras na napapagod ako, magluluto ng masasarap ng ulam pag nalulungkoot ako, wala ng nagagalit sa akin pag gumawa ako ng hindi maganda, iintindi sa oras na hindi ko din maintindihan yung sarili ko.
Nawala lahat ng yun. Nawala yung kakampi ko. Nawala na si mama. Nawala din si papa, ninakawan nila ako ng pamilya...
With the outburst of my feeling hindi ko namalayan na iniangat ko yung kamay ko sa kaniya na ikinasigaw ni Paulo.
" Zero! "
" Look he was about to slap me! Tanggalin mo yang anak ni satanas sa harap ko- " When she started to pause and hold her chest at manghina ang tuhod.
Siya pa nga ngayon yung may ganang atakihin sa pinag gagawa niya sa amin.
" Ma! " Kuya Paulo catch her and quickly called on his phone for an emergency.
" Zero, I'm sorry pero dadalhin ko muna si grandma sa ospital. Manang! " Tawag niya sa labas ng akayin niya si Grandma palabas ng room.
A loud sigh came out from my lips. I fell to the floor in a disheveled heap as her grief poured out in a flood of uncontrollable tears. Hinawakan ko yung ulo ko sa sakit ng dibdib ko. My hands are trembling when a wail of my cries and suffering echoed throughout the room.
' Mag isa na naman ako. '
I pulled my hair in frustration habang hindi mapigilan ng bibig ko na maglabas ng tunog as I sway myself back and forth na para bang kinocomfort ko yung sarili ko.
As more tears flooded followed by my fist landed on the ground.
" Do I deserve to live like this? " I punch twice as hard sa nararamdaman ko ng bumakat yung dugo sa lapag.
One last hit to the floor as I balled my knees hugging them, numbling uncontrollably crying habang derederechong iugoy ko yung sarili ko.
" Mom.. " iyak ko na parang batang nawawala.
" Sabi niyo ni dad babalikan niyo pa ako. "
" I have no one.. mom. "
Nasan yung mga taong sinabihan ako na nandiyan lang sila para sa akin sa oras na mahina at wala ako.
Wala.
I was left alone...again.
I feel powerless, hopeless and feeble. I failed to protect mom and dad. Hindi ko na dapat nalaman kung sino talaga pumatay sa kanila. Hindi nalang sana ako nag punta. Hindi nalang din sana ako sana nabuhay sa pamilyang to.
Pamilya nga ba to?
Hindi ko naman ginustong mabuhay.
![](https://img.wattpad.com/cover/281948428-288-k437c86.jpg)