Chapter 3

316 16 2
                                    


🐢 BELLE'S POV🐢

"Omygoshh! Are you okay Belle?" Nag-aalalang tanong ni Ara.

Ara na nga lang. Ang haba ng pangalan niya, kapangalan ko pa.

"I'm okay."sagot ko tsaka umayos ng tayo. Pasiring kong tinignan ang lalaking bumangga sa'kin.

"You're blocking my way again." Walang kakwenta kwentang saad niya.

"Bakit, sarili mo bang daan 'to, at bawal akong tumapak dito?" Naiiritang tanong ko.

Bigla siyang ngumisi, kaya mas nainis ako.

"Tara, sabay ulit tayo " Yaya niya.

Tanga ba to? Ano kami close?

"Tigilan mo'ko, hindi kita kilala,  may kasabay na ako."

"Ah ganon ba? Sayang naman 'yong burger tsaka mango shake, balak ko pa sanang dagdagan ng pizza tsaka fried chicken o hindi kaya spaghetti." Halatang pekeng panghihinayang niya pa.

Napalunok ako't napatingin kay Ara. Sinuklian niya naman ako ng nagtatakang tingin.

Pagkain 'yon eh. Isama ko nalang kaya ang dalawa? Marami naman sigurong pera 'to para ipanlibre sa'ming tatlo. Ang sarap pa namang pumapak ng fried chicken na may maraming sauce.

Ano ba Belinda, patay gutom ka talaga! Pagkain lang yan makaka afford ka niyan! Wag kang magpapalibre sa mukong na y----

"Ilang oras ka pa ba matatapos sa kaiisip, nang makapagdesisyon ka na?" Natinag ako ng marinig yun.

"H-Ha?" Gulat at utal na tanong ko.

"Tsk!" Singhal niya tsaka nag lakad papasok ng canteen.

"Y-Yung fried chicken." Biglang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon.

"What?" Ngisi ngising tanong niya.

"Wala." Nahihiyang sagot ko naman.

"Are you sure? I'll go now, bye." Nakangiti pa ring sambit niya.

Tss... magpapaselos ka na nga lang naghanap ka pa ng kasama, at willing ka pa talagang gumastos. Eh kung nag move on kalang sana, edi hindi mo na'ko kailangang pilitin pa dahil kusa akong sasama. Tsk! Ang hina talaga.

Hysstt. Gutom lang yan, Belle.

Pagharap ko kay Ara ay nagulat akong makita na nando'n narin si Vivoree at parehas silang nakangisi.

Tatlo na kayong parang tangang ngumingisi ng walang dahilan, na nakita ko sa araw na'to. Delikado na kayo.

Thinking Of TinkWhere stories live. Discover now