Chapter 14

302 10 5
                                    

🐢BELLE'S POV🐢


Dalawang buwan ang lumipas at naging maayos naman ang takbo ng pag-aaral ko. Naging aktibo ako sa academic subjects ko.

Simula no'ng hapong tumambay ako sa malaking bato ay namulat ako at napagdesisyonang dumistansya muna kay Donny. Hindi ko siya napansing sumunod sakin, ngunit sa labis na sakit na naramdaman ko dahil sa aking nakita ay hindi ko na ramdam ang gulat nang makita siya sa aking harapan.

Confirm, may gusto nga ako sakanya. Hindi ko alam kung bakit o kailan, basta ang alam ko hulog na hulog ako. Ngunit hindi ko 'yon tanggap, at ayokong tanggapin ang katotohanang iyon. Alam ko sarili kong hindi ako ganon, wala akong ugaling basta basta nalang mahuhulog sa kung kanino. I'm 17 years living in this world, may manliligaw ako pero iniisa wala akong ginusto! Kaya hirap na hirap akong paniwalain ng raramdaman ko mismo.

Maybe it is only an affection? Hope so...!

Araw araw nag cocross ang mga landas namin, at oras oras kaming nagkikita. Malamang nasa iisang skwelahan lang kami. Kasama ko parin sina Vivoree at Arabella, pero hindi na kami sumasabay sa table ng mga kalalakihan upang makikikain.

Ngayon ay nandito ako sa music hall para magpractice sa performance ko na magaganap ngayong darating na acquaintance party.

Tapos na akong nag audition at buti naman pasok agad. Nasa gilid ng stage si Donny at ang mga kaibigan niya nang mga kaganapang 'yon. Do'n ko lang nalaman na grupo pala sila ng isang banda. Si Gello ang vocalist nila pero lahat sila ay magagaling kumanta. Si Joao ang lead guitarist, si Miah ay bassist, si Donny naman nasa drummer na position habang si Rhys ay nasa rhythm guitar sana kaso ngalang lumipat nadaw siya, kaya iyon ang problema nila.  Habang 'yong dalawang kaibigan ko ay nasa harapan ng stage, tudo ang hiyaw at palakpak. Minsan nangingibaw pa ang boses nila kaysa sakin kahit naka microphone ako, tsk!!

Abala ako sa pagkakanta ng ilang parte ng lirikong naka asign sa akin nang bigla akong tinawag.

"Ms. Mariano" tawag ng teacher na nag hahandle samin lumingon ako't naglakad papalapit sa kanila. Kasama niya ang grupo nila Donny.

"Bakit po?" Nakangiting tanong ko.

"You have a duet performance with Mr. Bautista, right?" Tanong niya't tumango nalang ako bilang sagot.

"Okay lang ba kung dagdagan natin 'yang performance mo? Kulang sila ng isang kagrupo, ang vocalist nila ay Gello. Gello knows how to play rhythm guitar, and you're so good at singing. Is it okay for you to be a vocalist on the night of the acquaintance party?" tanong niya na ikinalilito ko.

"P-Po..?"  Nakatingin sakin ang apat na kalalakihan at ang babae naming handler, nag aabang sa aking sagot.

"Pumayag kana Belle. Naku! Inaaway away ka pa namin dati tapos talented ferson ka pala?" Parang clown ang mukha ni Gello nang sabihin niya 'yon.

Lalo akong natawa nang binatukan siya ni Miah.

"Anong namin ha!? Anong namin. Ikaw lang ang nang away dyan, 'wag mo kaming idamay." Singit naman ni Miah. Ngunit nagkamot sa ulo lang si Gello at hindi na sumagot pa.

"Ano--- hindi kasi ako sanay. I mean hindi pa ako nakatry na kumanta kasama ang banda."

"Masasanay ka rin 'pagnakapag practice kana." Joao said.

"Ano game?" Miah asked.

"'Di ko sure, pero sige game." Wika ko.

"Okay, thank you for accepting my request, Ms. Mariano....After you're done practicing with Mr. Bautista, please proceed to the backstage. The instrumentals are there, and we choose to practice in the backstage to minimize the sound from our instruments travelling to the outside and to the stage. Since there were lots of performers practicing." Nakangiting saad ng aming handler.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Thinking Of TinkWhere stories live. Discover now