Chapter 5

320 10 0
                                    

🐢 BELLE'S POV 🐢

"At Ikaw naman?" Mataray na hirit ko.

"Ano, gusto mo rin bang nalaman ang pangalan ko?" Nanghahamong tanong naman niya.

"Tss! Hindi ako interesado sa pangalan mo, at lalong hindi ako interesado sa pagkatao mo!" Singhal ko.

"E sa puso te?" Tanong sa'kin ni Vivoree.

"Ha?" Tugon na tanong ko naman.

"Hindi ka rin ba interesado sa puso niya?"

Lahat sila ay nakatingin sa'kin kaya tinignan ko 'din sila isa isa.

"Bakit, ano ba'ng porma mayro'n ang puso niya, triangle ba para pagtuonan ko pa ng interes?" Walang ganang sagot ko.

"Katangahan.." ani ni Donny kaya napatingin ako sa kanya. "May puso ba na hugis triangle?"

"Kabobohan.." hirit ko naman. "Bakit lahat ba ng puso ay hugis puso?"

"Syempre kaya nga puso eh!" Sagot niya sa tanong ko.

"'yang pusong mayro'n ka ay perpektong hugis puso ba?"

"Hindi 'man perpektong hugis puso ang porma nito, masisiguro kong perpekto naman kung manghasik ng pagmamahal 'to." Ani nito na lumingon pa sa kabilang bahagi ng canteen. Wazzup Clea.

"Punyetang 'to humugot pa, kaya hirap na hirap kang makalimot eh. Sa mga galaw mo palang, halatang hulog na hulog ka pa." Nasabi ko naman bigla kaya tumahimik siya.

Naramdaman ko ang pagsiko sa'kin ni V kaya napangitin ako sa kanya. Lahat pala sila nakatingin sa'kin maliban sa isang kaharap ko.

Bumuntong hininga't ngumisi siya ng may mapaklang emosyon, tsaka nagpatuloy sa pagkain. Pati 'yong mga kasama namin ay tumahimik rin pero hindi talaga totally tahimik dahil si Gello, Vivoree at Ara ay hindi talaga siguro kaya ang hindi makapagsalita.

Natapos ang lunch na 'yon ng puno ng tawanan naming lahat. Ikaw ba naman makatable ng tatlong clown tignan natin kung 'di ka mamatay sa kakatawa 'dagdag mo pa 'yong mga mahahangin na salita nila, lalo na 'yong Donny. Akala ko 'di na siya makikisali sa tawanan pero parang siya pa 'yong nangunguna. Parang hindi naman siya apektado sa nasabi ko kanina.

Sabay sabay kaming lumabas ng canteen, at naglakad papunta sa field.

"Uy, dito na 'yong building namin, una na kami. Dons salamat, sana may next time pa, grabe busog na busog ako." Pagpapasalamat ni V na hinihimas pa ang tiyan.

Thinking Of TinkWhere stories live. Discover now