Chapter 4

291 16 2
                                    

(REPUBLISH)

||||||||||||||||||||||||||||

   Happy Birthday to our best boy🎂. Thank you so much for being such a good inspiration for so many of us. We're lucky to have you as our main together with Belle, of course. Please continue with your good works. Stay humble, respectful and lovable. Thank you for supporting Belle in every step on her way, we've seen all your efforts. Thank you also for protecting her, you're there in everytime she's alone and sad. According to Belle "when everyone was throwing hate at me you were there". You're her support system. We Bubblies and solids are so very very proud of you, we truly appreciate you so much. We love you. Once again HAPPY BIRTHDAY DONATO ANTONIO!🖤♥️

(Nag-alarm pa ako sa phone ko kaninang 12:00 am, kaso di talaga kaya ng mata ko. Nakalagay pa naman do'n "kaarawan ng asawa ni mareng Belinda nasi pareng Donato, makikikain ako." Wala lang sherkolang!🙂)

Dahil birthday mo, ipapaubaya ko na sayo ang Chapter na'to.

02/10/22

___________________________________

🐢DONNY'S POV🐢

Maaga kaming natapos sa huling subject namin sa umaga. Napagdesisyonan naming magbabarkada na sa canteen na pupunta.

"Order na tayo gutom na ako.." saad ni Gello.

"Tara.." sagot naman ni Joao, agad namang tumayo sina Miah at si Rhys para pumila na.

"Ikaw?" Tanong ni Miah kaya sabay na napalingon ang tatlo.

"Mamaya na ako, maaga pa naman eh." Sabi ko.

"Aba'y hindi pwede, dapat sabay sabay tayo. Ano yon, nakatunganga ka lang habang kumakain kami? Hindi ako makakalunok no'n." Pag-iinarte ni Gello.

"Hindi tayo magkadugtong ng bituka kaya makakalunok ka kahit hindi ako ang kasama."

"Oo nga pero kas....."

"Bubusalan ko na yang bibig mo!" Singhal ko.

Naitakip niya naman agad yung kamay niya sa bibig niya.

Nakatambay lang kami do'n ng ilang minuto. Hawak hawak 'yong mga selpon namin pareho.

"Hoy babae 'yan ah?" maingay na saad ni Gello kay Rhys.

"Tsk! It's TikTok, that girl is just passing on my fyp." Sagot naman ni Rhys.

"Talaga? Ang astig naman ng moves na 'yan, anong title ng song tsaka kaninong dc? Sasayawin ko 'yan." Masiglang tanong na naman ni Gello.

Joao and Miah chuckled.

Kumanta ka nalang kung gusto mong hangaan. Tsk! Sayaw sayaw!

" You're too loud, alis nga!" Singhal naman ni Rhys.

"Ang arte mo! Yang cellphone mo nga ang lakas ng volume nag reklamo ba ako?"

"Anong malakas naka headset ako! Tangek ka."

"Naka headset ka nga ang lakas naman, kaya nga rinig ko eh." Tsaka siya malakas na tumawa.

Thinking Of TinkWhere stories live. Discover now