Chapter 6

100 1 0
                                    

06:Alon

    RAELLE's POV

As soon as I accepted the invitation, I noticed how the snatcher of my phone trash talked everyone in the game.

Ellieben:):
Mag quit na kayong lahat. Mga bobo naman kayong maglaro! Mga pabuhat

Napailing na lang ako habang binabasa ang sandamakmak nyang trash talk sa kalaban at maging sa mga kakampi namin. Namatay ang character ko sa laro kaya habang hinihintay ko na mag respawn ulit ang character ko ay tiningnan ko kung paano sya maglaro.

Natawa ako nang makita na mabilis syang pinatay ng kalaban. Pagkapatay sa kanya ay syang sunod ng trash talk nya sa chat box ng game.

Ellieben:):
Hayp! Mga bano kayo maglaro! Bwiset, bababa na naman rank ko neto!

I played two ranked games with the snatcher and each one lasted 30 minutes. Hinihintay ko lang talagang magnotif na ginagamit nya ang cellphone ko para matrack ko kung nasaan sya pero wala akong natatanggap.

There's a possibility that he's playing using my account but he's not using my phone. I want to retrive my phone from the snatcher since I really, really like my phone case because it's purple and the phone itself is purple too.

Dumapa ako sa kama habang naglalaro. Pangatlong rank game na namin. Puro sya kuda na ang hihina ng kakampi nya pero todo invite pa rin naman sa akin kada tapos ng laro.

Ibinaon ko ang mukha ko sa unan nang matapos ang pangatlo naming laro na ako ang MVP. Sandali ko munang binitiwan ang phone ko. Wala naman si Asteria rito sa condo dahil nagpaparty sya kaya mag-isa lang ako. Si Nucleus naman ay kasama ulit nila lola kaya di na rin muna ako umuwi sa mansion dahil wala rin naman akong kasama doon bukod sa mga maid.

Nang i-angat ko muli ang ulo ko para kuhanin ang phone ko ay isang invite na naman ang nakadisplay sa screen galing kay Ellieben. Ellie lang dati ang pangalan ng account ko, hindi ko alam kung saang lupalop nakuha ng snatcher ang 'ben'.

Pangalan nya ba yon? Ang panget naman.

I declined the invitation request since I'm getting really bored with the game. Agad na nagnotif ang private message ng laro. Nang buksan ko ang private messages ko ay message ni Ellieben ang bumungad sa akin.

Ellieben:):
Bat mo dinecline invite ko? Ayaw mo na ba sa akin?

Hindi ko sya nireplyan. Nag message ulit sya.

Ellieben:):
Pag-usapan naman muna natin 'to please. Wag mo kong iiwan dito.

Kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi nito? Wala akong nagawa kung hindi ang replyan sya.

Aly:
Baliw ka ba?

Ellieben:):
Uy! Nagreply si idol! Finally nanotice rin!

Hindi ko ulit sya nireplyan pero mabilis syang nagtype ng panibagong message kaya bago ko pa man ma-exit ang game ay nakapagchat na sya.

Ellieben:):
Duo naman tayo lods bago ka mag quit. Please, please, please

Aly:
Ayoko

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon