Prologue: First Kiss

4.2K 17 3
                                    

50 KISSES AND GOODBYE

Written by MissZeeGee. All Rights Reserved 2013. Revised 2014.

Click the YT Video first if you want to watch the teaser of this Story. ;D >>>>

---

Prologue: FIRST KISS

Kumatok ako sa pinto pero walang bumubukas kaya pinihit ko ang doorknob at... "AYOKO NGA SABI EH! MAMA ANO BA! PIGILAN MO SILA!" nadatnan ko ang isang babaeng sinisigawan ang dalawang Nurse, isang Doctor at isang babae na may edad na.

"Miss, dapat po kayo uminom ng gamot para gumaling na po kayo." sabi ng isang Nurse.

"NEVER! ANG PANGIT NG LASA NIYAN! AAAAH! BITAWAN MO NGA AKO!" nagpumiglas siya sa isang Nurse na hawak ang kanyang kanang braso.

"Miss Mendez, kailangan mo ito para sa surgery mo." paliwanag sakanya ng Doktor.

"Anak, makinig ka naman sa kanila. Please..." nagmakaawa ang isang middle-aged woman sa babaeng pasyente.

"AAAH! MAMA! AYOKO NGA SABI EH! UGGH!" inilagay ko ang hawak ko sa sofa at dahan-dahang lumapit sa kanila.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Kinuha ko ang gamot na nasa small cup na hawak ng Nurse at hinila ang braso ng babae palapit sa akin.

"Sa susunod, inumin mo kaagad ang gamot mo. Okay?" matapos ay kinindatan ko siya at saka ininom ang gamot sabay hinila ang mukha niya sa mukha ko. At nagdikit ang mga labi namin.

Nakadilat ang mga mata niya pero mabilis din siyang pumikit kasabay nito ang paglipat ko ng gamot mula sa bibig ko papunta sa kanya.

...8...9...10...

Nilayo ko ang labi ko sa labi niya. Gulat pa rin ang mga tao sa loob ng kwarto.

Unti-unting dumilat ang mga mata ng babae at tinignan ako.

"Nalunok mo ba lahat?" nakangiting tanong ko sakanya pero wala man lang siyang reaksyon.

Binitawan ko na ang babae at binalik sa kamay ng Nurse ang lalagyan ng gamot. "Hi po... Nandun' po pala ang pinabili niyo kay Lorence na mga prutas at Mineral water. Pinakiusapan niya po na ako na lang ang magdala dahil may lakad po siya." Bati at paliwanag ko sa malamang ay Tita ng matalik kong kaibigan.

"Ah-eh.."

"Sige po, aalis na po ako kasi may klase pa po ako. Goodbye.." Pagkasabi ko nun' ay nagmadali akong lumabas ng kwarto at tumakbo palabas ng Hospital.

Pagkalabas ko ng Hospital, hindi ko mapigilang tumawa sa ginawa ko. "HAHAHA! Nagawa ko yun'?" sabi ko sarili ko sa mahinang boses.

"Sa susunod, inumin mo kaagad ang gamot mo. Okay?" paulit-ulit ko itong naririnig sa isipan ko. Ang mga salitang ito ang sinabi ko bago ko siya hinalikan kanina sa hospital.

"Patay ako kay Lorence mamaya." nasabi ko na lang sa sarili ko at sumakay nang jeep papunta sa school.

---

Hi! Yes, iba na ito from the old one I wrote. Pero don't worry, konti lang naman ang kaibahan mula sa original plot. May dinagdagan lang ako konti kasi gusto ko baguhin ang impression ng story and not just the the same old stories you've read dito sa wattpad.

I hope you'll like more the story. :)

Thank you so much!

Love, MissZeeGee

50 Kisses and GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon