9: Niccolo

104 2 0
                                    

Chapter 9: NICCOLO

"Bakit ka pala nakipagkita?" I started.

"Naaalala mo pa ba? Dito tayo laging nagde-date noon," masaya niyang sabi sa akin.

"Ah, oo nga nuh dati," sagot ko.

"Yun pa rin ang inorder kong favorite mo. Frapuccino with walnuts," she said.

"Ahh, okay. Hindi na ako kumakain ng walnuts," sabi ko.

Hindi siya sumagot. Bumalot muli ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Ano bang sasabihin ko? Babawiin ko ba ang sinabi ko nung isang araw? Hihingi ba ako ng paumanhin sa nasabi ko kay Tita?

"Hubby..."

Napatingin ako sakanya. Kailan ba ang huling beses na narinig ko siya na tinawag ako sa pangalang yan?

"Hubby, sorry." Hinawakan ni Mikaela ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa mesa.

She squeezed my hands, siyempre namiss ko din ang time na ginaganyan niya ako... "Mikaela, two years ago na simula nung wala na tayo. I already forgave you."

Katahimikan muli.

"Ah-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil naunahan niya na ako.

"Please magbalikan na tayo."

Para akong nabangag sa sinabi niya. Gusto ko siyang tanungin ulit kahit malinaw naman ang narinig ko. Magkabalikan? Kami?

"Ha--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang nag-ring ang phone ko.

Hindi ko na sana sasagutin pero si Lorence ang tumatawag.

|Calling... Lorence Lopez|

Baka importante.

"Wait Mikaela, sagutin ko lang saglit," paalam ko sabay bawi ng kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Hello?" bati ko kay Lorence.

"Pare? Kasama mo ba si Kisha? Nasaan ka?" tanong niya mula sa kabilang linya.

"Huh? Hindi ko siya kasama pare bakit? Andito ako sa... School," sagot ko.

"Promise? Wala talaga?" tanong niya ulit.

"Oo nga, promise pero bakit? Anong nangyare kay Kisha?"

Kinutob na ako.

"Pare! Tumakas siya sa hospital!"

"What?"

"Hi-hindi ko alam! Tumakas siya, e-ewan ko pare! Magulo na kami dito!"

"Wait, dahan-dahanin mo nga. Nababangag na ako sa kakasigaw mo eh,"

"Pare, baka pupunta yun sayo! Baka pumunta sa dorm! "

"Hala oo nga, pwede rin!"

"Pare delikado pa ang paa niya. Papunta na ako sa dorm pero pwede mauna kana baka maabutan mo siya dun. Please, patulong muna!"

50 Kisses and GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon