Chapter 16 :)

636 22 2
                                    

Rouie's Pov


Ilang araw ng absent si Tanya. Hindi ko alam kung anong nagyayari sa kanya. Pati mga kaibigan nya, hindi sya makausap. Pag binibisita namin sya sa bahay nila, lagi syang wala. Minsan sinasabi, hindi pa umuuwi. O kaya naman kaalis lang. Hindi rin namin macontact... Laging naka off ang phone nya. Nag aalala na ko.


Gustong gusto ko syang makita. Alam kong may problema sya dahil hindi sya magkakaganto kung wala lang. Arg! Mababaliw ako eh.. Ilang araw ko na syang hindi nakikita. Hindi na nga ko makatulog sa kakaisip sa kanya.


" Mr. Castro ''


Okay lang kaya sya? Sana maayos ang kalagayan nya.


" Mr. Castro? "


Kumakain kaya sya ng tama? Nakakatulog kaya sya sa tamang oras? Sana naman oo..


" MR. CASTRO!!! "


" Ay Tanya! "


" HAHAHAHAHA " tawanan nila.. Argghh..


" What? Tanya? Your out of mind because of her?" tanong nya at napayuko na ko. Nakalimutan ko kasing may klase pala. Masyado ko kasing iniisip eh..


" Mam! Ganyan talaga pag inlove!" sigaw nung isa. Hindi ko na lang pinansin. Wala akong gana..


" Go to Detention Room! Now! " sigaw nya. Mabuti na to. Hindi rin naman ako makikinig sa kanya eh. Dahil ilang araw ng absent si Tanya, ilang araw na rin akong ganto. Ewan ko ba!


Naglalakad ako ngayon papunta sa DR , mga ilang oras siguro ako dun. Ok na yun. Matutulog na lang ako.. Pagpasok ko ng DR nakita ko dun ung officer. Sinabi kong hindi ako nakikinig sa klase kaya ako pinpunta dito. Mukha namang nagulat sya kasi inamin ko talaga ung kasalanan ko. At dahil dun, 1 hour lang akong mags-stay dito.


Mamimili na ko ng upuan ng may napansin akong babaeng nakaupo sa dulo. Kulay red ang buhok, kinabahan ako. Isa lang naman ang alam kong my color red na buhok eh.. Dali dali akong lumapit sa kanya..


" Tanya!. Wifey! ^__^ " nakatayo ako ngayon sa harap nya. Ung kaninang walang gana na si AKO ngayon eh nabuhayan na..


Pero parang wala lang syang narinig kasi nakayuko pa rin sya. Ha? Anong meron dito?


" Tanya, Uy.. Ako to. Si Rou..Pansinin mo naman ako." kinakalabit ko na sya, pero nagulat ako sa kanya dahil tinabig nya ung kamay ko..


" Ano ba! Kita na nga natutulog ako oh! TSK! Istorbo! " napanganga ako sa mga sinabi nya. Nakakunot noong syang tumayo at lumipat ng pwesto. Ang LAMIG! Ang lamig nyang makatingin. Hindi. Hindi sya si Tanya. Hindi sya ang Tanya na nakilala ko..


Sumisikip na ung dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang sakit kasi eh.. Alam ko kung paano sya mag taray, pero sa inaasta nya ngayon, hindi sya nagtataray eh. Puno ng galit at sakit ung nakikita ko sa mga mata nya.. Ang cold nya sakin. Hindi naman sya ganto eh.. Pag nakikita nya ko at binabati ko sya, ngumingiti sya at pinapansin ako..


Pero ngayon, parang wala lang ako sa kanya. Nakalimutan na ba nyang ako ung lalaking nanliligaw sa kanya? Ung lalaking mahal na mahal sya..


Tiningnan ko lang syang umupo sa ibang upuan at yumuko ulit para matulog. Ilang araw syang nawala ng walang pasabi tas pagbalik nya ganto na sya. May nangyari ba? Hindi ko alam. Wala akong alam sa nangyayari sa kanya..


Napayuko na lang ako sa likod. Ung plano kong matulog, nawala na. Tinititigan ko lang sya. Kahit hindi na nya ko pansinin okay lang. Basta nakikita ko sya. Pansin kong mukhang pagod sya at walang tulog. Kaya ngayon sya bumabawi. Hindi ko na lang sya inistorbo dahil gaya nga ng sabi nya, istorbo daw ako..

Sa Mata ng mga TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon