Chapter 6 :)

983 35 3
                                    

I woke up early in the morning. Para magluto ng lunch. Hindi para kay Rouie kundi para kay Zed. Well, masyado kasi syang mabait sakin eh. Pambawi ko na lang sa kanya. Napag-alaman ko na favorite nya ang Chicken Afritada. Kaya naman yun ang lulutuin.. Waaaah. Sana magustuhan nya..

I started  cooking. Hmm. Madali lang naman kaya hindi ako nahirapan. Nag luto na rin ako ng pang breakfast namin. Nilagay ko sa isang tupperwear ung ulam tas another tupperwear ulit for rice. Nang matapos na ko sa lahat lahat, naligo na ko at nag ayos for school. Medyo maaga pa naman kaya tumambay muna ko sa sala at nanood ng K-drama.. Itutuloy ko ung panonood ko. Matagal kasi matapos ang isang koreanobela eh. Its consist of 20 episodes above and each episode ay nasa one hour or between..

Witch Romance ang pinapanood ko. Episode 11 pa lang ako. Nakakainis nga eh, bumalik ung girl dun sa dati nyang fiance na iniwan sya.. Tas iniwan na nya yung boy na may gusto sa kanya. Malaki ang age gap nila sa isat isa. Ung girl 39 years old, tas ung boy 25 years old lang. Pero kahit ganon, mahal nung boy ung girl. Ok na sana eh, kaya lang bumalik ung past ni girl. For six years hnd nagpakita ung fiance nya, hindi umattend ung fiance nya nung araw nung kasal nila. Nagalit ung girl kasi for six years hindi man lang sya cinontact tas biglang babalik. Pero nung nalaman nya ung totoong dahilan, nagkabalikan na sila. Tas naiwan si boy. Lagi syang umiiyak at naglalasing. Pinapakita nya sa girl na ok lang sa kanya ang lahat, pero pag sya na lang mag isa, nahihirapan na sya. Nag quit na sa trabaho ung boy, magkatrabaho kasi sila nung girl. Assistant sya nung girl, hindi nya na kasi kayang makita ung babaeng mahal na may kasama ng iba. Pero kahit ganon, hindi man halata. Nag aalala ung girl sa boy. Lagi nyang tinetext kung ok lang ba.....

"Oh. Ate. Nandito ka pa. Wala ka bang pasok?" biglang tanong ni Jr.

"Meron" sagot ko pero nakatutok pa rin sa tv. Naiiyak na ko. Umiiyak na kasi ung boy eh.. :'(

"Eh bat nandito ka pa? 9:10 na oh" sabi nya.

"ANOOOOO?! Takte! Paki patay na lang yan! Aalis nako!" sabi ko at dali daling umalis ng bahay...

Oh shoot! Napasarap ang panonood ko. Hindi ko namalayan ung oras. Ano ba naman to. Late na late na ko.. Pinara ko ung cab na nakita ko.

"Kuya sa may EGU po" sabi ko. At umandar naman na ung driver.

Grabe talaga! Late na ko neto eh... Tiningnan ko ung phone ko. Ohhh. Ang daming text. Puro galing dun sa lima at kay zed. May mga missed call din. Hindi ko naman sila marereplyan dahil wala akong load. Maya maya pa.

"Miss. nandito na tayo" sabi nung driver. Bumaba na ko at nagbigay ng 50 pesos.

"Keep the change na lang po" sabi ko at kumaripas na ng takbo. Agad akong umakyat ng tumatakbo pa rin. Grabe na to. Nakakapagod. Buti na lang naka pack bag ako, dun na kalagay ung pagkain... Buhay nga naman oh. Pagkadating ko sa pintuan ng room dali dali kong binuksan.

"Sorry Mam Im late!" bigla kong sabi. Natigilan naman sila, maging si mam na nagtuturo..

"Tanny! Kanina pa kita tinatawagan.." sabi ni Zed. Nagbulungan naman ung mga kaklase ko.

"Why are you late Ms.Ropero?" tanong ni mam.

"Ah. Kasi mam, ano eh. Late po ng gising" pagpapalusot ko. Nakakahiya naman kung sabihin ko na nag movie marathon ako kaya ako late. Jeeezzz..

"Alright. Next time dont be late" sabi nya at tumalikod para mag sulat sa black board.

"Yes mam" i said. Tumingin ako kay Maddy na nakatingin sa na halatang hindi naniniwala sa palusot. Alam nyang maaga ako nagigising kaya imposible sakin na malate dahil lang late na ng gising. I just wink at her. At sinimangutan lang ako ng bruha.. Umupo na ko sa upuan ko..

Sa Mata ng mga TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon