Chapter 8 :)

884 24 4
                                    

Pumasok na ko sa room matapos kong mag walk out kanina. Wala eh, pinagtulungan ako dun eh. Porke, wala akong boyfriend, masaya na sila. Edi sila na! Hmmp! Kung hindi lang ako iniwan ni ano dati eh... Ay! Erase erase! Wala yun! Ang mga ganung tao ay hindi na dapat iniintindihin.

Anw. Nakasalubong ko si Rouie kanina sa daan, tas nginitian ako? Halaaaa. Sinaniban na ata yun.. Wala pang tao sa room dahil maaga pa. Mabuti na rin to, dahil medyo antok pa ko eh. Well, antukin ako. Hindi lang halata.. Yumuko na lang ako sa upuan ko. Dala ko ung lunch ni Rouie. Baka mamaya, ipahiya na naman nya ko at itapon na naman nya ung pagkain. Pero nangako naman sya na kakainin nya eh...

"Hi Tanya!" masayang  bati sakin ni Rouie pagpasok nya sa room. Kaming dalawa pa lang ang tao dito.. Ngumiti lang ako sa kanya..

"Hello.." sabi ko at yumuko na ulit..

"Naaantok ka ba?" tanong nya sakin..

"hmm. Hindi naman. Eh wala naman akong gagawin kaya matutulog na lang ako" sabi ko. Actually, nawala na yung antok ko eh..

"Wag ka na lang matulog. Kwentuhan na lang tayo" he said..

"Ha? Ano namang pagkukwentuhan  natin?" tanong at umayos na upo..

"Well, anything. Kahit ano" sabi nya..

"Panong kahit ano?" tanong ko naman..

"Ganto na lang, tanungan na lang tayo" sabi nya..

"O sige, ikaw una" sabi ko naman..

"Kahit ano ah? pwedeng itanong?" tanong nya..

"Hmmm. Depende na lang kung kayang sagutin" sabi ko naman..

"Alright.. So, my first question is..... Ano mo si Zedron?" tanong nya...

"Ha? panong ani ko si Zed?" tanong ko naman. Mga tanungan kasi neto eh..

"I mean, anong relationship nyo sa isat isat?" sabi naman nya

"Ahhh. We're good friends" sabi ko

"Good friends?" he said na nagtatanong.

"Yes. Friends.. Nothing more" i said. Well, totoo naman eh, I find Zed as a good friend of mine..

"Buti naman" sabi nya na hindi ko masyadong narinig..

" Ha? Anong sabi mo?"

"Wala.. Ang ganda mo.."

"Ano??""

"Walang ulitan sa bingi! Bleeeh :P " abat loko to ah. Tumayo sya at hinabol ko sya.

"Hoy! Bumalik ka dito!" umikot sya ng room namin, hinarang nya ung mga upuan sa harap namin..

"Yoko nga! :P Papaluin mo ko eh!"

"Che! Ewan ko sayo!" sigaw ko na lang sa kanya, at talagang dumidila pa sya ah...

*You have a message!*

May nag text, kaya chineck ko na muna ung phone ko. Si Maddy..

"Gurl! May naiwan ako sa taas ng cabinet ni mam na box, paki kuha naman oh. Ikaw na muna mag tago. Hindi ako makaka attend ng klase eh, may pupuntahan ako. Urgent lang.... Thank you Gurl!!! Love you :* muah!" - Maddy..

Well, ano pa nga bang magagawa ako. Tiningnan ko si Rouie na may kinakalikot dun sa likod. Kumuha ako ng upuan at tumuntong dun para ma-abot ung sinasabi nyang box sa ibabaw ng cabinet. Isa lang naman ang box na nakikita ko dun, ung box ata ng sapatos. Tama, kay Madz nga ito.. Bat naman naiwan nya dito...

Nang aabutin ko na ung box, hindi ko pa pala abot. Umuuga na yung upuan, hala. Naku po. Wag naman sana... Malapit na. Maaabot ko na.. Pero umaalog pa rin ung upuan.. Waaaah. What to do!!!

Sa Mata ng mga TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon