CHAPTER 18
“Anong nangyari, pare?” atat na tanong sa 'kin ni Darwin nang makasalubong ko s'ya sa loob ng site.
Makahulugan ko naman s'yang ngitian at hindi pinansin. Rinig ko ang pasinghal n'yang buga at kinalabit ako.
“Sabihin mo naman sa 'kin. Ano? Gumana ba?” sunod-sunod n'yang tanong.
Malawak ang ngiti kong tumango na para 'bang teenager na may nagugustuhang babae.
Nanlaki ang mata n'ya saka ako pabirong sinuntok sa balikat na ikinatawa ko. “Kayo na ba?!” pasinghal n'yang tanong.
Tumango ulit ako na ikinatawa n'ya sa saya. Malamang sa malamang ay ito ang pinakahihintay nilang dalawa ni Eco, hindi kasi ako maka-relate sa kanilang usapang girlfriend daw nila na pabago-bago.
“Naks, pare!” Inakbayan n'ya ako saka kami naglakad sa aming pwesto sa inaayos naming sasakyan. “Isang araw lang?! Pero ayos na rin iyon at para na rin hindi ka magtandang binata.”
Nag-usap pa kami sandali bago kan'ya-kan'ya kami balik sa aming trabaho. Ngayon ko lang ulit naramdaman na masigla ako habang nagtatarbaho. Ganito rin pala ang nagagawa ng pag-ibig.
Parang baliw na ngingiti-ngiti ako sa kapwa ko katarbaho at iiling sa kawalan habang inaalala ang nangyari sa 'min kahapon ni Kestrel. Hinatid ko s'ya sa kanilang bahay at ilang libot pa ang ginawa namin sa palengke.
Unti-unti ko na s'yang nakilala, kulang na lang ang tungkol sa kan'yang pamilya. Hahayaan n'ya kaya akong ipaalam sa kan'yang pamilya na nobyo na n'ya ako?
Kinakabahan at 'di rin maiwasang mapangiti sa 'king naisip. Malamang kailangan kong harapin ang kan'yang pamilya para maging legal ang aming relasyon. Kaso natatakot ako sa posibilidad na mangyari, baka hindi nila ako matanggap.
Tulala akong nakatingin sa bawat taong dumadaan sa kalsada na 'di kalayuan sa 'kin. Nakaupo na naman ako sa lumang sasakyan. Tapos na ang tarbaho namin pero nandito pa rin ako. Gusto kong makita si Kestrel ngayon kaya hinihintay ko s'yang lumabas kahit hindi ako sigurado kung nando'n ba s'ya sa kan'yang opisina.
“Wayzer.”
Napalingon ako sa gilid ko at nakitang nandito si Yannah. Napabuntong hininga na lang akong ngitian s'ya saka iniwas din ang tingin.
Akala ko kasi si Kestrel. Ang laki talaga ng epekto n'ya sa 'kin. Lahat ng bagay at tao ay s'ya lang ang iniisip ko.
“May problema?” tanong ni Yannah at umupo sa 'king tabi. Umusog ako ng konti na ikinataka n'ya.
Tumikhim ako. “Dapat may pagitan sa 'ting dalawa.”
May kong anong sakit na dumaan sa kan'yang mata. “Dahil ba ito sa 'king pag-amin? Akala ko ba ayos na tayo?”
“Hindi tungkol d'yan ang ibig kong sabihin,” agap ko saka s'ya tinignan. “May nobya na ako at baka makita tayong dalawa.”
'Di makapaniwalang tinignan n'ya ako. “Nagsasabi ka ba ng totoo, Wayzer? O baka naman dahilan mo lang ito para hindi ako makalapit.”
“Nagsasabi s'ya ng totoo, girl.”
Gulat naman akong napalingon sa likuran namin nang biglang sumulpot si Kestrel. Nakataas ang isang kilay habang papalapit sa 'min. Nakatingin s'ya kay Yannah.
Mabilis akong lumundag papaalis sa sasakyan at saka s'ya sinalubong. Masama ang tingin n'ya kay Yannah sa 'di ko malamang dahilan.
“Kestrel,” tawag ko at bahagyang niyakap ang maliit n'yang katawan.
BINABASA MO ANG
Broken Wiring (Sedulous Series #1)
RomanceA COLLABORATION SERIES Being a standing Father to his three siblings was not that easy for him. Wayzer Munro Caringal has been working and taking care of them since the day his parents died. He did not finish his studies in college. So, he's workin...