Chapter 13

402 9 0
                                    

CHAPTER 13



“Dito na ako,” sabi ni Kestrel at hinarap ako nang makarating kami sa harapan ng kanilang hacienda.

Mahinang tumango ako at ngitian s'ya ng tipid. “Sige, aalis na rin ako.” Aalis na ako kung papasok na s'ya sa kanilang hacienda.

Ngitian n'ya naman ako ng matamis. Minsan na naging dahilan kung bakit ako nalulunod sa kan'yang kagandahan. Korny 'bang pakinggan?

“Sige, baka hinahanap ka na ng kapatid mo.”

“Pumasok ka muna bago ako aalis,” sabi ko naman.

Bahagyang napakamot s'ya sa kan'yang pisngi mukhang may pinipigilan. “I-Ikaw na lang. Papasok ako kapag nakaalis ka na.”

Wala na akong nagawa kundi tumango na lang at sundin ang kan'yang sinabi. Tumalikod ako sa kan'ya at nagsimula na ng maglakad.

Ilang hakbang pa lamang ang ginawad ko nang maramdaman kong 'di ako mapakali. Sa huling pagkakataon ay nilingon ko s'ya.

Guminhawa naman ang aking pakiramdam nang makitang pumasok na ito sa kanila. Kita ko pa sa 'di kalayuan ang ilang trabahador na abala sa kakaayos ng bumbilya para bukas sa okasyon. Hanggang gabi nagtatarbaho pa rin sila.

Mayaman nga talaga si Kestrel, ito na naman ang pakiramdam na parang ang liit-liit ko kahit maliit si Kestrel sa aming dalawa.

Tawa, kilig at pait ang nararamdaman. Hanggang sa isip ko ay kinikilig pa rin ako sa araw-araw naming pagsasama. Natutuwa ako sa liit n'yang babae na sadista kung umasta. Pait dahil ang layo ng agwat namin. Langit s'ya tapos lupa ako. Nasa malinis s'yang lugar habang ako nasa putikan.

Sana patas na lang ang mundo— patas naman talaga 'yong mundo pero 'yong estado ng tao, hindi. Hindi patas ang lugar, bagay at tao.


~•~•~•~

“Kumain ka na ba, Kuya?” bungad na tanong sa 'kin ni Willy nang makarating sa ako ang bahay.

Bagsak na umupo ako sa matigas naming sofa at napatingala sa kisame. “Tapos na.” Ilang oras na akong 'di nakakain, kailangan kong magtiis pa naman ngayon.

Dahil kaarawan na bukas ni Kestrel, kailangan kong bumili ng regalo para sa kan'ya. Dagdag pa na kailangan kong bumawi sa mga kapatid ko, hindi talaga sapat ang kinita at sahod ko ngayon.

“Mukhang hindi ka pa nakakain, Kuya,” puna n'ya at pinaninkitan ako ng mata.

Napabuntong hininga ako at winaksi ang aking kamay sa ere. “H'wag mo akong aalahanin, bunso. Dapat asikasuhin mo na lang 'yong kambal at ako na ang bahala sa iba, ayos ba?”

Mukhang hindi talaga s'ya magpapatalo. Hindi sang-ayon sa 'kin sinabi.

“Ikaw ang nagtatarbaho, Kuya tapos ikaw ang magtitiis?” Umiba na ang tono n'ya. “Papagurin mo 'yong sarili mo tapos 'di ka kakain? Parang pinapatay mo 'yong sarili, ah.”

Pinipigilan kong ngumiti at baka masuntok ako ng kapatid ko. Dalawa lamang kaming lalaki kaya masaya ako dahil dumating s'ya sa mundong ito. Paano kaya kung wala s'ya rito at tanging kambal na lang ang mayro'n ako? Hindi ko kakayanin.

May sakit s'ya sa puso kaya naman pagbantay sa mga kapatid ang pinapagawa ko sa kan'ya. Hindi naman masyadong makulit ang kambal at naglalaro lamang sa tabi kaya hindi na s'ya mahihirapan pa.

Naalala ko pa no'ng nag-aaral pa ako ng high school. Sinugod ko s'ya sa pinaka malapit na hospital dahil inatake ito sa puso, sakto dahil kakaubos pa lang ng kan'yang gamot na niresita ng Doktor. Gusto ko tuloy no'n magwala dahil bukod sa takot akong mawala s'ya, natataranta at nalilito ako kung ano ang uunahin ko.

Broken Wiring (Sedulous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon