Chapter 24

433 11 0
                                    

CHAPTER 24


Alam mo 'yong pakiramdam na iniiwasan ka ng tao sa 'di mo malamang dahilan? Nakakalito at nakakasakit din ng damdamin.

Huling pag-uusap namin ni Kestrel ay no'ng nasa opisina n'ya kami, 'yon 'yong araw na nakita ko silang dalawa ni Jomari.

Minsan iniisip ko na baka may kinalaman si Jomari rito pero imposible, hindi naman sila nag-uusap at palagi ngang ilag si Kestrel sa aming lahat at kasama na ako roon.

Ilang ulit kong sinasalubong si Kestrel pero sadyang may inaabala s'yang tarbaho kaya hinayaan ko muna kahit may pakiramdam akong may mali sa 'ming dalawa.

Tiniis ko ang ilang araw na iniiwasan n'ya ako, gano'n naman talaga kapag mahal mo ang isang tao, iintindihin mo kahit may mali na sa kan'ya.

“Magugustuhan kaya n'ya 'to, Pare?” kinakabahan kong tanong kay Darwin, tinignan ko pa ang couple shirt na binili kung may butas ba o ano.

“Malamang magugustuhan n'ya 'yan, bigay mo, eh!” nanunuyang sagot ng kaibigan ko, napakamot na lamang ako sa batok.

Mahirap na kung may mantya o butas 'to. Pitumpu't limang piso ang bili ko sa couple shirt para sa 'kin at sa nobya ko. 'Di ko na pigilang mapangiti.

“Aysus!” Inakbayan ako ni Darwin at ngisian ako ng nakakaloko. “Nahulog na ba?” Tinuro n'ya ang dibdib ko na kaagad kong hinampas, natawa s'ya.

“'Wag ka nga tumawa! Kinakabahan ako na baka hindi n'ya ito tipo na regalo.” Bumagsak ang balikat ko, bakit kasi walang magaganda ritong damit?

“Masyado ka namang balisa, Wayzer.” Napailing sya.

“Maarte 'yon kaya dapat gandahan ko ang aking regalo sa kan'ya.”

Nakakairita pa naman ang pagkaarte ng babaeng iyon, pero kahit gano'n ay mahal ko pa rin s'ya.

“Hay, naku! Bahala ka na, Pare.” Tinapik n'ya ang balikat ko. “Goodluck na lang sa 'yo, Pare. Galingan mo, ah?”

Hindi ko s'ya sinagot bagkus tinulak ko ito papalayo sa 'kin. Tumawa lamang s'ya at kumaway sa 'kin habang papaalis sa kinaroroonan ko.

Napabuga ako ng hininga. Bahala na, yayain ko na lang s'yang kumain sa karenderya na palagi naming pinupuntahan. O dikaya yayain ko s'yang maglibot sa dalampasigan.

Napakamot ulit ako sa batok at mabilis na naglakad papunta sa kan'yang tinatarbahuan. Sigurado akong nakaabang na ito sa labas.

Mabilis kong inilagay ang couple shirt sa paper bag nang matanaw s'ya sa 'di kalayuan. Mabibilis na hakbang ang ginawad ko hanggang sa makarating sa kan'yang harapan.

Nangingig ang mga labi kong ngumiti sa kan'ya. “Magandang hapon, bee.” bati ko sa kan'ya.

Gulat naman s'yang napatingin sa 'king mukha. 'Di n'ya yata ako napansin dahil sa pagkatulala n'ya kanina.

Hinawakan ko s'ya sa braso at mahinang hinila papalapit sa 'kin. “Parang pagod ka yata, bee. Gusto mo hatid na lang kita sa baha—”

Naputol ang sasabihin ko nang bigla s'yang umatras dahilan para mabitawan ko ang kan'yang braso. Taka ko s'yang tinignan.

“Bakit? May problema ba?” nag-aalala kong tanong sa kan'ya pero umiling lamang s'ya saka napayuko.

Lalapitan ko sana s'ya nang humakbang paatras ang isa n'yang paa. Do'n pa lang ay kinakabahan na ako. Ano ang nangyayari?

Broken Wiring (Sedulous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon