CHAPTER 23
Tulad nga sa pinakiusap ko kay Kestrel, 'di kami nag-usap ng ikang araw pero hindi talaga namin naiwasang mapatitig minsan sa isa't-isa kapag nagkakasalubong kami.
Buti na lang at hindi ako pinatanggal sa tarbaho ko sa site ni Boss. Akala siguro n'ya ay wala na kami ni Kestrel kaya hindi n'ya ako sinigawan o kinausap man lang. Masama pa rin ang titig sa 'kin at 'di rin magtatagal ay may plano na naman s'yang siraan ako.
Naging maginhawa ang buhay ko sa araw-araw simula no'ng 'di kami nag-usap ni Kestrel. Hindi naman kami nag-away kaya hindi kami nagpapansinan. Sadyang kailangan lang namin bigyan ng hangin ang pagitan namin para makahinga kahit papaano.
Limang araw na hindi s'ya kausap at nahahalikan at tila ba iang parusa sa 'kin pero ito ako ngayon nakatitig lang sa bawat galaw n'ya at umaasang titingin s'ya sa pwesto ko.
Inis na napakamot ako sa batok nang 'di man lang n'ya ako binalingan. Palagi ko naman s'yang nakikitang nakatingin sa 'kin pero bakit ngayo abala s'ya sa kakabasa ng kung ano?
Tumayo ako sa pagkakaupo at akmang lalapitan sana s'ya. Nahinto ako at napapikit ng mariin.
Konting tiis na lang at mahahawakan ko na s'ya kaya pigilan mo ang sarili mo!
Imbes na bumalik sa inuupuan ko ay natagpuan ko ang aking sarili na humahakbang patungo sa lamesa ng kan'yang Ama.
Saktong pagkahinto ko sa kan'yang harapan ay ang pag-angat ng kan'yang tingin sa 'kin. Gulat pa ito at napatayo para harapin ako.
“Way—”
Mabilis ko s'yang hinawakan sa braso at hinila sa opisina n'yang nasa gilid lamang. Sinarado ko ang pintuan at saka s'ya niyakap ng mahigpit na tila ba'y matagal ko na s'yang 'di nakikita.
Natigilan s'ya sandali at kalaunan tinugon ang aking yakap. Bahagyang hinimas pa ang likuran ko at sinubsob ang mukha sa 'king dibdib.
“Kestrel,” tawag ko at pinaharap ang kan'yang mukha sa 'kin. Pinatitigan ko ng matagal ang kan'yang matang kumikinang at saka s'ya hinalikan sa labi.
Napasinghap s'ya sa mabilis kong galaw. Sumabay rin s'ya sa 'king ritmo at pareho naming pinikit ang mga mata at ninamnam ang sandali.
Ilang minuto kaming mabagal na naghahalikan nang kusa s'yang humiwalay at humabol ng hininga. Gano'n din ang ginawa ko saka pinagdikit ang aming noo sa isa't-isa.
“Namiss kita.” Amin ko at pinatakan ulit s'ya ng halik sa labi na tinugon n'ya ulit.
“Tama na 'yong limang araw, Wayzer,” animo'y pakiusap n'ya sa 'kin. Nilaro-laro pa ang buhok ko kaya nagkagulo.
Ngumiti ako sa kan'ya. “Akala ko kaya mo pa akong tiisin, hindi mo kasi ako tinitignan.”
Natawa s'ya ng mahina at hinila ako sa sofa na nasa gilid ng kan'yang lamesa. Una akong umupo at kasunod no'n ay umupo s'ya sa kandungan ko na kaagad na aking inalalayan.
Pinulupot n'ya ang kan'yang braso sa leeg ko at saka hiniga ang ulo sa 'king balikat na para 'bang naglalambing.
“May tinatapos lang ako kaya hindi kita sinulyapan. Alam ko naman na nasa paligid ka lang naman,” ngiti n'yang sambit at nilaro-laro ulit ang aking buhok.
Magustuhan ko naman ang ginagawa n'ya. Ayos lang kung mukhang sabog ang buhok ko basta maramdaman ko lang na mahal na mahal n'ya ako. Pakiramdam ko talaga kapag naglalambing s'ya sa 'kin ay importante ako sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
Broken Wiring (Sedulous Series #1)
RomanceA COLLABORATION SERIES Being a standing Father to his three siblings was not that easy for him. Wayzer Munro Caringal has been working and taking care of them since the day his parents died. He did not finish his studies in college. So, he's workin...