Cloe's POV
Habang patuloy ang pageant ay hindi ko mapigilang sumulyap sa lugar kung saan nakatayo yong guy
Na starstruck talaga ko sakanya.
Lumapit naman sakin si Jessy
Cloe! Tara samahan mo kami! At tsaka niya ako inakay.Huh? Saan? Tanong ko. At nakita kong papunta kami sa quarters ng mga dancer.
Ludubludublud...
Nag iba nanaman ang pintig ng puso ko.
Teka lang Jessy! Huminto ako at humarap si Jessy.
Bakit tayo papunta sa mga dancers? Tanong ko.Edi magpapapicture! Tara na!
At inakay niya ulit ako,kasama ng mga kaibigan namin.
Huminto ulit ako at humarap kay Jessy.
Oh bakit? Tanong niya
Pwede ba kong magfavor?
Tumango naman siya na parang nagtatanong.
Ganito Jessy uh. Akong magpipicture sainyo, pag tapos na kunyari tatawagin mo ko para magpapicture don sa lalaking yon. Sabay turo don sa lalaki .
Uuhhhhh. Patango tango si Jessy at tsaka ngumiti.
Crush mo ba yon? Yiiiie! Parang biglang namula pisngi ko.
Tara na nga , sabi niya sakin
Ng makarating kami sa quarters ng mga dancer ay si Jessy ang lumipat don sa lalaking kanina ko pa tinitingnan.
Excuse me kuya? Tawag niya sa lalaki.
Bakit? Tanong niya. Shet! Ang gwapo lang .
Pwede po bang magpapicture? Sabi ni Jessy.
Uh sige.
At binigay ni Jessy ang camera sakin, hindi ko mapigilang manginig dahil sa kaba habang kinukuhanan ko sila ng picture.
At ng matapos ko silang kuhanan ay kumindat na si Jessy hudyat na sisimulan na namin ang plano.
Cloe! Tawag sakin ni Jessy
Tara ikaw naman ang magpapicture! :) eto na yon!Nang tumabi ako sakanya ay sinimulan na kaming kuhanan ng picture ni Jessy.
Cloe lapit ka ng konti kay kuya,At lumapit naman ako. Kinikilig akoooooo!
Nang matapos kaming picturan ay kinuha ni jessy ang cellphone ko.
Oy jessy!
Kuya pwede ko ba mahingi cp number mo? Tanong ni jessy.
At nagulat ako ng ibigay naman ito!
Ano nga palang name mo kuya?
Jerson Luke...
Jerson Luke? Napangiti nalang ako ng marinig ang pangalan niya.
Nang ibinalik ni Jessy yong phone ko ay bumalik na kami sa upuan namin, hanggang sa matapos ang pageant ay tuwang tuwa pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Falling Inlove With a Dancer
Teen FictionSa bawat beat ng kanta sumasabay ang puso ko. Maamong muka, Matikas na pangangatawan. At sa isang dancer nahulog ang puso ko.