KEREN SNOWW
***
Yan ang mga pangyayaring nangyari sa akin sa loob ng ilang linggo. Hanggang ngayon ay dito pa rin ako sa isla at kasalukuyang gumagawa ng pansamantala kong kumot na yari lamang sa mga balat at dahon ng puno. Bilang mananahi ay marami akong alam patungkol sa mga iba't ibang uri ng pagtatahi at mga materyales na pwedeng gamitin. It's a mattter of being creative. Malapit ko na rin itong matapos itong kumot kong ito na yari sa balat ng kahoy na pinaghirapan kong pitpitin at palambutin gamit ang sanga ng kahoy. Nagkapaltos-paltos na rin ang aking kamay sa kahahabi at kakatahi ng kumot na ito. Galing lamang sa paligid ko ang ginagamit kong materyales. Ang karayom ko ngayon ay yari lamang sa tinik ng puno na binutasan ko sa pinakapuno at ang sinulid ko naman ay galing sa hibla ng balat ng kahoy na napakatibay.
Kasalukuyan akong nakaupo dito sa ilalim ng puno malapit lang sa bukal habang nagtatahi. Sa ngayon ay wala pa akong disente o maayos na tirahan tanging apat na poste lamang na hindi kalakihan at ang bubong ay mga palapa ng niyog. Ang mga dingding naman ay puro dahong makakapal na at tuyo. Sabi ko nga kakaiba ang mga puno't dahon ng islang ito. Diskarte, pagsisikap at talino lamang ang pinairal ko at ngayon ay unti-unti na akong nakapupundar ng panlaban ko sa lamig at iba pa. Ang tanging wala pa ako ngayon ay ang apoy. Sobrang hirap talagang gumawa ng apoy. Ilang linggo na ako dito sa isla pero hindi pa rin ako nakagagawa ng apoy kahit nagkapaltus-paltos at nagkasugat-sugat na ang aking mga kamay dahil sa kakasubok. Bale umaasa na lamang ako sa mga bungang kahoy, ito na lamang ang nagsisilbi kong pagkain dito. Sa ilang linggo ko dito ay sa awa ng Diyos ay hindi pa rin ako nakakakain ng lasong prutas. Halos makakain naman ang mga prutas dito liban lang sa nag-iisang puno malapit sa gilid ng isla na tinirhan ng mga uod na kati-kati. Yaong mga uod na itim na may mga balahibo. Simula nung nakita ko yon ay hindi na ako pumunta doon dahil kinilabutan talaga ako. Kaya naman hanggang dito lang ako sa kakahuyan kung saan nasisigurado kong ligtas. Sa ilang linggo kong paninirahan dito sa isla ay nalibot at napasok ko na ang lahat ng kasuluksulukan nito. Kaya alam ko na ang hindi dapat at dapat puntahan.
Hanggang ngayon din ay suot ko pa rin ang damit na itim at pajama na galing kay_
Napabuntong hininga na lamang ako ng maiisip kong muli ang taong iyon.
Oo, suot ko pa rin ang pajama at T-shirt na ngayon ay gulanit-gulanit na. Ni wala nga akong panloob at nasanay na rin ako. Gagawa na lamang ako kapag marami na akong naimbak na materyales. Sa ngayon inuuna ko muna ang kumot dahil sobrang lamig dito paggabi pero wala namang lamok at maraming hayop. So far, ibon at uod pa lang ang nakikita ko dito sa isla.
Bumuntong hininga ako ulit dahil nananakit ang ulo ko sa kayuyuko at katatahi. Inilapag ko na ang natahi ko sa loob ng munti kong silid. Isang ihipan lang ito ng hangin yung tulugan kong ito ay magigiba talaga. Haisst...napabuntong hininga na lamang ako ulit at umalis na.
Naupo muna ako sa malaking ugat ng kahoy at tumingin sa sa dagat na kitang kita dito sa pwesto ko. Hinihintay ko rin kasi na may dumating o dumaan lang man na barko o kaya bangka para makahingi ako ng tulong pero hanggang ngayon ni isa ay wala pang nakadadaan dito. Minsan naluluha na ako sa sobrang lungkot. Wala na rin naman kasi ang bangka ko pagkagising ko nung araw na iyon. Mukhang naanod na ata ng dagat kaya hanggang ngayon problemadong problemado talaga ako kung paano makakaalis dito sa isla. Alangan naman na maglangoy lang ako ng maglangoy eh sa kabilang banda ay puro buwaya.
Diyos ko paano ba ako makakaalis dito sa isla. Alam ba nila na may islang nakatayo dito sa lugar na ito o hindi? Siguro nga wala pang nakakaalam na may paraisong isla dito. Baka ako pa lang nga ang nakarating dito.
Hinahanap kaya ako ng mga kakilala ko ngayon? Minsan natatakot din akong lumabas ng isla baka kasi may dumating ngang barko, yate, o bangka ay sina Feerce Hardstone naman ang sakay. Tapos ano? Kukunin niya na naman ako at ikukulong? No way ayoko na, debale ng mamatay dito huwag lang talaga mahuli ng taong iyon. Kaya minsan nag-aatubili rin talaga ako na humingi ng tulong kung sakali mang may dumating kasi ang pumapasok sa isip ko sina Feerce agad.
YOU ARE READING
FEERCE's DARK OBSESSION
RomantikShe was raped by the mafia king, an obsessed psychopath man and she ran away and found herself in an isolated island with no people and an unborn child to take care of.