𝐊𝐄𝐑𝐄𝐍 𝐒𝐍𝐎𝐖𝐖
Halos hindi ako makapaniwala sa mga nangyayaring pagbabago sa buhay ko. Kasalukuyang nandito ako sa kwarto ni Feerce, kinakabahan at natatakot ako dahil pumapasok na naman sa isip ko ang mga ginawa niya sa akin dati kaya't dinidistansya ko muna ang sarili ko sa kaniya. Natatakot ako na baka may gawin na naman siyang masama sa akin kaya't hindi ako mapalagay.
Nung nasa yate kami sa daungan ng mga barko ay nagulat ako nung ginising niya ako. Hindi ko inaakala na nakarating na pala kami. Nagulat ako sa nalaman ko at bigla na lamang pumasok sa utak ko kung ano ang dahilan kung bakit ako tumakas papalayo sa kaniya. Natakot ako sa kaniya kaya't sumiksik ako sa uluhan ng kama kahit na nandoon pa ang kambal. Alam ko na wala ako sa sarili ko nung panahong iyon dahil parang nabigla lang ako sa mga pangyayari. Ni hindi ko lang man natingnan sa huling sandali ang isla bago namin ito nilisan.
Naduduwag ako sa tuwing nagagalit na si Feerce kaya't sumunod na lamang ako sa kaniya total hawak niya naman ang mga anak namin. Hindi ko mapagkakaila na maalaga siya kahit na beasty mood siya minsan. Hinayaan kong kargahin niya ako palabas ng yate hanggang sa narating namin ang side walk at nagulat na lamang ako ng bigla kaming harangin ng mga reporters ay camera men. Panay ang bato nila ng tanong na halos hindi ko na matandaan. Ikinubli ko ang aking mukha sa dibdib niya dahil natatakot ako na maexposed sa mga babasahin at balita dahil ordinaryong tao lamang ako at hindi sanay sa mga atensyon ng maraming tao.
Buti na lang nakarating kami agad sa nakaabang na sasakyan na tiyak kong pagmamay-ari niya dahil mamahalin ito. First time ko lang makasakay sa ganung uri ng sasakyan. Napansin ko lang na ayaw niya akong bitawan at malayo sa kaniya pero pinabayaan ko na lang dahil parang meron din itong kinakaharap na problema.
Tinanong niya ako kung okay lang ba ako at tinugon ko naman siya na ayos lang ako at saka ko nakita ang sugat niya sa braso dahil siguro sa kapipilit ng mga reporters kanina. Wala siyang sinagot ni isang tanong.
Nililingon ko siya dahil pansin kong seryoso lamang ito habang tumatakbo ang sasakyan. Naghanap-hanap ako ng maitatapal sa sugat niya at buti lang nakakita ako ng isang box ng band aid sa side ko at hinayaan niya din naman akong tapalan ito.
Narating namin ang bahay niya nag-alangan pa ako dahil parang natatakot na naman ako sa posibleng mangyari.
"Don't you want to comfort your babies? They are probably crying right now." Ani niya na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Tama hindi lang pala ako nag-iisa dahil meron na akong mga anak ngayon.
Sumunod na lamang ako sa kaniya at diretso sa loob ng bahay niya na under tunnel pala. Nagulat ako sa nasaksihan ko nang bumukas ang pinto at meroong apat na mukha na sumalubong sa akin na nakangiti hanggang sa nagpakilala sila isa-isa sa akin. Nalaman ko na si miss Purra pala ang housekeeper, ang isang lalaki naman na mukhang American ay si Mr. Conrad tapos si Leo naman ay kaibigan pala ni Feerce. Nagbatian lamang kami at pagdakay pumunta na rin sa itaas.
Dumiretso kami sa bagong kwarto ng kambal at namangha ako sa ginawa nilang padidisenyo sa kwarto nila. Maganda ito at saktong-sakto lang sa kanila. May nurses na nag-aasikaso sa kanila kaya iniwan na lang namin sila at dumiretso kami sa kwarto ni Feerce na ikinaalangan ko pa dahil bumabalik na naman sa aking isipan ang mga ginawa niya sa akin dati. Hanggang ngayon nga ay nandito pa rin ang piklat ko na binuhusan niya ng alcohol.
Alam kong nagtitimpi lang si Feerce pero galit na talaga siya sa akin. Hindi niya naman ako pinilit na pumasok sa kwarto niya pero sumunod na lamang ako. Nagmamaktol itong hinubad ang damit niyang pang-itaas bago pumasok sa banyo. Naupo na lamang ako sa sofa habang kinakabahan pa rin.
Oo naging marupok ako nung nasa yate kami at naglalayag. Bumigay ako sa mga ginagawa niya sa akin. Gustong-gusto niya ang nilalambing ako, niyayakap at kahit ano pa. Napagtanto ko lang na naging komportable ako sa kaniya nitong nakalipas na mga araw sa kabila ng sakit na dulot niya sa akin. Naiinis nga ako sa sarili ko nung nasa kusina kami ng yate. Nagpadala din ako sa nais ng katawan ko. Nakakahiya ang ginawa ko dahil inutusan ko si Feerce na halikan ako. Nawala ako agad sa katinuan nung isubo niya ang mga dibdib ko gamit ang ice cream.
YOU ARE READING
FEERCE's DARK OBSESSION
RomansaShe was raped by the mafia king, an obsessed psychopath man and she ran away and found herself in an isolated island with no people and an unborn child to take care of.