Chapter Twelve

339 7 5
                                    

𝐊𝐄𝐑𝐄𝐍 𝐒𝐍𝐎𝐖𝐖

Marami ng lumipas na araw, linggo at buwan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakaalis dito sa Isla. Ang laki-laki na ng tiyan ko na ikinababahala ko dahil baka kabuwanan ko na. Wala akong tiyak na sukat kung ilang buwan na itong dinadala ko. Hindi ako sigurado kung siyam na buwan na ba ito pero napapadalas na ang paglikot ng bata sa loob. May pagkakataon pa nga na bigla na lamang itong sumisipa na ikinagugulat at ikinaiigtad ko. Minsan ay bumabakat ang paa niya sa tiyan ko na ikinatatakot ko dahil parang mabubutas ito. Pero kahit natatakot ako ay natutuwa pa rin ako dahil sobrang nakakataba ng puso ang makita ang paa ng anak ko na bumabakat. Kaya nga lang ay nahihirapan akong mag kilos ng husto dahil sobrang bigat nitong dinadala ko.

Sa tinagal-tagal ko dito sa Isla ay wala pa ring nakadaang anumang sasakyang pandagat ni sasakyang panghimpapawid. Siguro nga ay tago itong Isla at wala pang nakakatuklas kundi ako lamang. Tuwing hapon at umaga ay lagi akong nag-aabang sa dalampasigan, nagbabasakaling may dumaan na mapaghihingian ng tulong ngunit ni isa ay wala talaga. Kabado na ako kasi malakas ang pakiramdam ko na malapit na akong manganak. Sa tinagal tagal ko rin dito sa Isla ay hindi man lang ako nakagawa ng balsa dahil hindi ko alam kung paano at isa pa'y hirap talaga akong kumilos dahil sa laki ng tiyan ko. Umaasa na lamang ako sa magagawa ng Diyos dahil sa ganang aking sarili ay wala akong magagawa. Walang palya ang pagsumamo ko sa kaniya na sana tulungan niya ako at makayanan ko ang lahat. Naniniwala naman akong pagsubok lamang ito sa akin ng Ama kaya't tinitiis ko na lamang kahit na ang hirap-hirap.

Ngunit parang masisiraan talaga ako ng ulo dito sa Isla sa sobrang lungkot. Sabik na sabik na akong makaalis dito dahil hirap na hirap na ako mentally, emotionally, physically pero spiritually ay hindi pa naman.

Tumigil na rin ako nakaraang buwan pa sa pananahi ng mga damit na aming gagamitin. Hindi ko na rin nasusuot pa ang mga unang nagawa ko dahil hindi na kasya kaya't napilitan na lamang akong gumawa ng panibago na para sa akin. Inaalala ko lang na baka ma-irritate ang balat ng bata sa mga nagawa kong tela na yari sa kahoy dahil hindi ito ganun kalambot. Malayo ang mga nagawa ko sa dalisay na tela pero pwede ng pamalot sa katawan. Pwede na ring pagtyagaan kahit papaano. Baka nga dito na talaga ako manganganak sa Isla pero medyo kabado ako kasi maraming pwedeng mangyari. Isa pa hindi ako marunong magpaanak. Wala akong kaide-ideya kung paano ang tamang paraan ng panganganak na mas lalo pang ikinagagambala ko.

Habang papalapit ng papalapit ang araw ay mas tumitindi ang takot ko. Isa pa sa inaalala ko ay ang kalusugan ng aking magiging anak dahil ni isang prenatal vitamins ay hindi ako nakatikim kaya ang ginawa ko na lamang ay ang pagkain ng mga prutas dito sa Isla. Oo, aaminin ko na may mga sandaling umiiyak ako dito lalo na kapag dapit-hapon na. Sa gabi naman ay hindi ko maiwasang maluha. Sa awa ng Diyos ay hindi na ako nabangungot pa gayundin hindi na ako inatake pa sa dilim dahil unti-unti na akong nasasanay, isa pa ay hindi naman kadiliman dito lagi sa Isla.

Sa mga panahong nababalisa ako ay hindi ko maiwasang sisihin ang lalaking gumawa nito sa akin. Halos sumpain ko na siya sa inis at galit dahil nalagay ako sa alanganing sitwasyon. Gayun pa man ay hindi ko pinagsisisihang nabuntis ako dahil mahal na mahal ko itong bata na ito sa loob ng tiyan ko, sobrang mahal. Ito na lamang ang nagbibigay lakas loob at pag-asa sa akin. Kahit na bunga ito ng panggagahasa sa akin ay tanggap na tanggap ko ito dahil una, hindi niya rin namang ginustong mabuo, pangalawa inosente ito at walang kinalaman sa pangyayari, pangatlo buhay ito na hindi dapat kitilin.
Pang-apat dugo at laman ko ang nakaratay sa batang ito na aking pakaiingatan at pakamamahalin habang ako ay nabubuhay.

Kasalukuyan akong nakatanaw sa dagat habang nakasandig sa puno at kumakain ng prutas na matamis. Dumadampi ang malakas at malagkit na hangin sa aking balat habang nakatanaw sa guhit na nasa dulo, nag-aantay ng himala. Nakasandig ako ngayon dito sa puno habang hinahaplos ang mabilog at malaki kong tiyan. Gusto ko na talagang makauwi sa amin. Namimiss ko na ang tirahan ko. May naghahanap kaya sa akin ngayon? May nag-aalala kaya sa akin? Kung meron edi sana matagal na akong nakaalis dito.

FEERCE's DARK OBSESSION Where stories live. Discover now