𝐊𝐄𝐑𝐄𝐍 𝐒𝐍𝐎𝐖𝐖
Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal dito sa isla. At ang matagal ko ng kinatatakutan na mangyari ay nangyari na nga. Sa ilang mga araw, linggo at buwan ko dito sa isla ay may mga pagbabagong nangyari, lalo na sa aking katawan. Kapansin-pansing lumalaki ang aking tiyan na ikinatatakot at ikinababahala ko. Naiiyak ako sa takot dahil parang buntis nga ako. Sa tuwing napapatingin ako sa tiyan ko na lumalaki ay naluluha ako. Pansin ko rin na tuwing gigising ako sa umaga ay may gumagalaw sa loob, parang tumitibok. Ayos lang sana na kahit ako na lang ang magdusa at huwag ng mag akay pa ng iba. Pero anong magagawa ko? Nandito na itong buhay na ito sa sinapupunan ko.
Ang panggagahasa na ginawa sa akin ni Feerce Hardstone ay nagbunga nga ng buhay. Kahit ako na lang sana ang magdusa dito sa isla at huwag na itong bata. Tiyak talaga ako na nagdadalang tao ako dahil simula nung napadpad ako dito sa isla ay hindi na ako dinatnan pa ng buwanang dalaw ko. At ngayon ay lumalaki pa ang tiyan ko, hindi na ako mag-aalinlangan pang buntis ako. Parang hindi ko matanggap na magkakaroon pa ako ng karamay dito sa Isla. Paano na ito ngayon? Paano ako makakaalis? Paano ko mabubuhay ang bata na magiging anak ko? Nakakainis talaga! Gusto ko ng magwala at magmura sa inis! Pero hindi ko magawa kasi inaalala ko rin ang nasa tiyan ko.
Langya naman na buhay 'to oh! Ba't ngayon ka pa dumating anak? Napaka-wrong timing mo naman. Hindi pa ako handa, hindi pa talaga. Mahihirapan lang ikaw pagnilabas kita dito sa mundong walang kasiguraduhan.
Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako habang nakatingin sa bumubukol kong tiyan. Hanggang sa humikbi na ako ng husto dahil parang hindi ko matanggap. Ang sakit-sakit parang kinukurot ang puso ko. Hindi ko alam kung paano ko ito bubuhayin o kaya ko ba.
"Mama" hikbi ko na lang habang pinapahid ang mga luha sa aking mata. "Ba't ngayon ka pa dumating anak ha? Pwede namang sa sunod pa na taon o pagkatapos pa ng limang taon. Gulay naman oh! Paano kita bubuhayin? Eh ako nga hirap na hirap na buhayin ang sarili ko. Mamamatay lang tayong dalawa dito 'nak." Ani ko at hinawakan ang aking tiyan at napahagulhol na lamang. "Hin...hindi pa ako handa. Hindi pa! Hindi ko ito kaya! Bakit ganto? Bakit nangyayari ang mga bagay na ito sa akin?"
Hindi, ayaw ko ng mandamay pa ng ibang tao sa kahirapan na ito. Ipapalaglag ko na lang itong bata sa sinapupunan ko. Hindi kita kayang buhayin 'nak. Tyaka mahihirapan ka lang dito sa isla. Ayaw kong maranasan mo ang naging hirap ko dito sa isla. Patawad anak pero kailangan na kitang ipalaglag. Hindi ko kayang buhayin ka. Ayaw kong maranasan mo ang hirap dito.
"I will spare you baby. The timing are all wrong. The place and time are all wrong and you were conceived by force. Yes baby, you are conceived by force. It was against my will, your father raped me. You are the fruit of sexual harassment baby and I will have to let you go because everything started wrong and currently are still wrong."
Suminghot ako at dahan-dahang tumayo at napatingin sa maumbok kong tiyan bago nagpasyang lumakad. Bagaman labag sa kalooban kong ipalaglag itong bata pero gagawin ko na lang kasa maghihirap pa siya dito. Sinimulan ko ng maglakad upang maghanap ng mapapait na halaman. Wala akong kaide-ideya kung anong uri ba ng halaman ang pangpalaglag ang alam ko lang ay yaong sobrang pait na mga inumin na galing sa halaman ay kayang magpatanggal ng bata. Marami namang halaman dito sa isla, kukunin ko na lamang ang mga ugat ng matatapang ang amoy at lalagain bago inumin.
Nang makalapit ako sa kakahuyan ay nagsimula na akong maghukay ng mga ugat. Pinagpapawisan na ako habang hinihila ang mga ito. Nang makakuha ako ng marami ay pumunta naman ako sa ibang halamanan at pinangkuha ang malalaking dahon nito kasama ang mga bulaklak. Agad akong umuwi sa balite kung saan naroroon ang aking tirahan. Hinugasan ko ang mga ugat, dahon at bulaklak saka ito isinantabi.
Pagkatapos ay pumasok ako sa loob ng balite. Medyo madilim at malamig pero nakayanan kong tumira dito. Nung una ay natakot pa ako kasi ang laki-laki nitong balite at kung hindi ka lang matibay-tibay at matapang ay hindi ka talaga makakatagal dito. Parang nasanay na lang din nga ako. Unang pasok ko dito sa loob ng balite ay kinabahan ako dahil mukha talaga siyang tinitirahan ng maligno at aswang pero naglakas loob na lamang ako at nilabanan ang takot kaya ngayon andito na ako nakatira. Dahil ang ginawa kong bahay-bahay dati ay nagiba dahil sa malakas na hangin. Ngayon ni ulan o bagyo pa ang humampas ay hindi na matitinag pa ang aking tirahan dahil nasa pinakamatibay na puno na ako sa buong mundo.
YOU ARE READING
FEERCE's DARK OBSESSION
RomanceShe was raped by the mafia king, an obsessed psychopath man and she ran away and found herself in an isolated island with no people and an unborn child to take care of.