EXO's Sehun

25 0 2
                                    

Characters: Jam Lee and Oh Sehun

To: @pinkupinkuuu hi! Sana maenjoy mo tong story. Please share this to others. Hihihi.

◇♡♤♧

Oh Sehun.

Ang pinakanakakainis na lalaki sa school nyo. Ewan ba kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya. Dahil ba gwapo siya? Idagdag mo pa na makinis ang maputi niyang balat?

"Pwe!" Yan ang reaction mo nang sabihin ng isang kaklase mong babae na crush niya si Sehun. Pasalamat ka at hindi nila narinig yun kundi kawawa ka sa kanila.

Hindi mo close ang mga kaklase mo at madalas ka lang mag-isa sa school. Maganda na yun kesa naman maraming nakakapansin sayo.

Sa school ka lang naman hindi famous eh. Sa umaga at weekdays ka lang mag-isa. Kuntento ka na sa ganoong senaryo ng buhay mo basta hindi mawawala sayo ang once a week na pagpunta sa isang underground disco club, ang pangalan ay Shakers.

Friday na ngayon at bukas makakapunta ka na sa showdown ng nasabing disco club.

*click!*

Nakarinig ka ng tunog ng camera kaya bumalik ang utak mo sa realidad. Nakita mo sa harap mo ang nakakabwisit na mukha ni Sehun.

"Hoy Jam! Tingnan mo mukha mo dito, nakanganga ka!" Sigaw niya sayo at parang tanga syang tumakbo palayo para ipakita yung picture mo.

"Bwisit ka talaga kahit kailan!!" Sigaw mo sa kanya. Dahilan para mapatingin sayo ng masama ang iba mong kaklaseng babae.

Inirapan kanila bago pumunta sa kani-kanilang upuan. Thank you sa teacher mo na kararating lang.

Ilang oras ang lumipas at natapos na buong klase niyo. Naglalakad ka palabas ng gate ng school nang makarinig ka ng ingay ng mga lalaki. Lumingon ka para i-check kung sino tapos nakita mo si Oh Sehun kasama ng ibang katropa niya.

Nabwisit ka na naman. Ilalagay mo sana sa tenga mo ang earphone mo pero may biglang sinabi si Sehun na nakapukaw ng interes sayo.

"Guys, pupunta ako sa Shakers bukas. Gusto nyo bang sumama? Marami raw chicks doon eh."

Hindi mo pinahalata na nakikinig ka sa usapan nila. Sa isip mo, ano kayang balak nilang gawin doon?

Wala ka namang alam sa grupo nila na nagsasayaw eh. Lalo na yung si Sehun. Last time na nakita mo yun nagsayaw ng folk dance ay nakawawa yung partner niya dahil natapakn yung paa nito ng ilang beses.

"Woo. As if naman kukuha ka ng chicks doon. Alam ko namang crush mo si Queen J." Narinig mong sabi ng isa sa mga kaibigan niya.

Lumaki ang mata mo. Hindi ka kasi makapaniwala.

Yung tinutukoy nilang Queen J ay ikaw. Nakuha mo ang title na yun last year. King H naman ang nakakuha ng trono sa male division. Si King H ang dakilang crush mo.

Sa Shakers club, ang bawat dancer na makikipag- showdown ay nakatakip ang mga mukha. At malamang na hindi nila kilala na ikaw ang kasalukuyang champion sa female division ng showdown.

Bukas, ang panibagong competition. Nagreready kang i-defend ang title mo kaya naman excited kang pumunta sa Shakers. Pero sa tingin mo ay papalpak ka sa choreograph na ginawa dahil makikita mo sa audience si Sehun.

"Shit. Hindi pwedeng matalo ko bukas. Mapapahiya ako kay King H." Sabi mo at saka nagmadaling maglakad papalayo sa grupo ni Sehun.

◇♡♤♧

Shakers Club...

"No sign of that idiot Sehun." Napangiti ka. Sa wakas at walang makakadistract sayo mamaya kapag umakyat na lahat ng dancers sa loob ng stage na may ring sa gilid, katulad ng ring ng mga wrestlers at boxers.

You and your IDOL (one-shot stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon