EXO's Tao (II)

71 2 2
                                    

Characters: Grace Puniel and Huang Zi Tao

To: @GracePuniel pasensya kung medyo natagalan. Naging busy this week eh. Enjoy!

◇♡♤♧

Naglalakad ka lang parati pauwi sa bahay nyo. Yan naman parati ang gawain mo, ang maglakad. Ayaw mo kasing sinusundo at hinahatid ka pa tuwing papasok sa school. Ang laki mo na eh.

Kaya naman, ang route mo tuwing uuwi ay doon sa long cut.

Dumadaan ka sa mga eskinita na makikitid. Yung tipong hindi kakasya ang kotse para lang hindi ka masundan nung driver niyo.

Napadaan ka sa isa sa pinakacreepy na part ng route mo pauwi. Pinigilan mo ang paghinga mo dahil sobrang mabaho ang lugar.

Habang naglalakad ka, nagulat ka na lang ng may biglang humarang sa harapan mo. May hawak siyang kutsilyo at nakatutok sayo.

"Akin na bag mo!!" Pabulong na sabi nung lalaki. Nakakatakot yung boses niya, parang puno ng plema sa lalamunan na hindi mailunok.

Tatakbo ka sana pabalik pero nagulat ka kasi meron na ring tao doon. Nagbabantay at papalapit sayo. Natakot ka. Napayakap ka sa sarili mo.

"Sinabi nang akin na yang bag mo eh!" Sigaw nung lalaki sayo.

Wala kang nagawa kundi ibigay yung bag mo. Nung nakuha na nila ay agad silang tumakbo. Tinanaw mo sila habang papalayo.

Nagulat ka na lang ng may humarang sa kanila na isang katangkarang lalaki. May dala dala siyang mahabang kahoy. Nakita mo na pinukpok niya yung mga nagnakaw sayo kanina.

Nabitawan nung mga nangholdap yung bag mo at mabilis silang umalis doon. Pinulot nung matangkad na lalaki yung bag mo kaya naisipan mong lumakad papunta sa kanya.

"K-kuya, akin y-yan." Sabi mo na nakangiti. Inisip mo kasi na ibabalik niya yun.

Pero nagulat ka na lang nang itakbo nung lalaki yung bag mo. Lalo kang nanlumo. Ni hindi mo man lang nakita yung mukha niya para sana man lang ay mahanap mo para makuha mo yung bag. Umuwi ka na lang ng umiiyak.

◇♡♤♧

Kinabukasan, pagpasok mo sa school ay naririnig mo na may bago raw kayong kaklase. Hindi ka nakitsismis kasi hindi ka pa rin makaget-over dun sa bag mo.

Ang gamit mo ngayong bag ay ganoon din ang brand tulad nung nanakaw sayo. Actually, lahat ng tatak ng bag mo ay Gucci pero yung nanakaw ang pinakafavorite mong bag. May name pa nga yun eh, si Lucky.

"Miss Grace Puniel!" Sigaw ng teacher mo sayo. Nakapasok na pala yun ng room at kasama na yung transferee.

"P-po?" Natauhan ka naman.

"Eto ang bago niyong classmate na si Huang Zi Tao. Ikaw ang magtotour sa kanya sa campus." Sabi ng mataray mong teacher.

"O-opo ma'am." Sagot mo na lang. Ni hindi ka tumingin sa transferee kasi mas focus ka sa sinasabi nung teacher mo about tourguiding.

Nung recess ay nagsimula kang magtour kay Tao. Basta kung anong madaanan niyo na part ng school, sinasabi mo lang yung name nun. Hindi ka na nagkwento kung anong meron doon.

Nang matapos kayo ay naupo kayo sa bench sa may garden.

"Erm, Grace?" Tawag sayo ni Tao.

Ilang beses ka niyang tinawag pero hindi ka lumilingon. Nakuha niya lang ang atensyon mo nang sumigaw siya.

"GUCCI!!" Sigaw niya kaya naman napatayo ka at napalingon. Favorite mo kasi ang brand na Gucci. Yun nga yung brand nang halos lahat ng gamit mo. Napalinga-linga ka at naghahanap ng kahit anong sign ng Gucci pero wala kang nakita.

You and your IDOL (one-shot stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon