Characters: Jamaica Manio and Lee Jin Ki (Onew)
To: @jamaimanio The distance does not ruin the relationship. Doubts do.
◇♡♤♧
"I love you." bulong sayo ng boyfriend mong si Onew. Aalis siya para magtrabaho sa ibang bansa. Sa Europe.
Specific place?
Sa Paris.
Super higpit ng yakap mo sa kanya at ayaw mo siyang bitawan kahit na dapat ay pumunta na siya sa plane niya.
"Huwag ka ng umalis, please?" lalong humigpit ang yakap mo sa kanya. Tuloy-tuloy ang buhos ng luha mo at halos mabasa na ang damit niya dahil doon.
"Para sa kinabukasan natin to, Mahal. Babalik naman ako eh. Isang taon lang. Makakaraos tayo." hinawakan ka niya sa buhok at hinaplos haplos iyon. Nakalma ka na at binitawan siya.
Ano pa ba ang magagawa mo?
Hindi mo na siya mapipigilan. Pangarap niya rin naman na makapunta ng ibang bansa at makapag-perform doon. Kailangan mo lang siyang suportahan.
Si Onew ay leader ng isang pasikat na banda dito sa Korea. May mga nagsponsor sa kanila na taga-Paris kaya pinapapunta sila doon at pinatitira sa loob ng isang taon.
Hindi lang trabaho ang gagawin doon ni Onew. Kasama na doon ang training niya para mapaayos pa ang performance nila. Pati na rin yung pag-aaral niya ng wika doon.
Sana yun lang nga ang gawin niya. Ang mag-aral, magtraining at magtrabaho.
Hindi mo kasi maiwasan isipin na maraming magaganda at sexy na babae sa Paris. Hindi malayong maakit si Onew sa mga iyon. Hindi ka pa rin mapakali kahit ilang beses na sinabi sayo ni Onew na hindi ka niya lolokohin.
May tiwala ka naman sa kanya. Kaya lang, hindi mo maiiwasan na kutuban paminsan minsan.
Ilang beses sa isang buwan lang kayo makakapag-communicate. Hindi ka rin sanay sa ganitong routine. Mas sanay ka na laging katext at kausap mo siya tuwing gabi. Mas sanay ka na may laging nagchecheck sayo kung kumain ka na o kaya naman kung kumusta ang pakiramdam mo. Kung pagod ka ba galimg school o pagod ka galing sa lakad niyo.
Nawala na siya sa paningin mo. Lalong nanlabo ang mga mata mo dahil sa mga luha na pinapakawalan nito ngayon.
Napaupo ka at humagulgol. Umiyak ka nang umiyak hanggang sa mapagod ka. Ilang oras din bago mo naisipang umuwi.
Pagdating mo nang bahay ay agad kang dumiretso sa kwarto mo. Nagulat ka na lang ng may makita kang bouquet ng Colorful flowers sa kama mo. May nakaipit na maliit na sulat doon.
"Huwag ka nang umiyak. Countdown tayo. 365 days na lang bago ako bumalik. I love you mahal. -Onew"
Iyon ang laman ng sulat. Halo-halo ang naramdaman mo. Umiyak ka na naman ulit. Kakaalis lang niya pero miss na miss mo na siya. Parang hindi mo kakayanin na wala siya sa tabi mo.
Pinunasan mo ang luha mo. Binuksan mo ang phone mo at hinalikan ang screen nito. Wallpaper niyo kasi ang nasa homescreen at lockscreen.
"Thank you sa bulaklak. Ang sweet mo talaga kahit kelan. Hmm. Pero sana hindi mo na naisipan yung countdown. Habang nagbibilang ng araw lalong tumatagal ang paghihintay. Pero thank you parin. I love you Mahal ko!" Para kang baliw na kinakausap ang screen ng phone mo.
Anim na buwan na ang nakalipas. Walang palya pa rin ang pagdating ng bulaklak sayo. Hindi pa rin tumitigil ang countdown ni Onew para sa pagbabalik niya.
Okay ka naman na. May pinagkakaabalahan ka at nandiyan naman ang mga kaibigan mo para libangin ka. Masaya ka naman pero hindi mo maiwasan na mamiss siya.
BINABASA MO ANG
You and your IDOL (one-shot stories)
RomanceThis is a collection of fictional stories featuring YOU and YOUR BIAS. Open for requests. Anyway, a follow would be nice: wattpad: iamLAYdreamer twitter: @iamLAYdreamer