Characters: Lee Skye Rae and Huang Zi Tao
To: @love_dream_reach Sorry kung may pagkacorny to pero sana magustuhan mo pa rin.
◇♡♤♧
[Please play the multimedia --->]
"Skye, nandoon na naman yung mga loan shark sa tindahan niyo." balita sayo ng humahangos na kapitbahay mo.
Napatakbo ka naman agad dahil inalala mo na nag-iisa lang yung kapatid mo na nagbabantay doon.
Pagdating mo sa tindahan ay nakita mo na pinagbabalibag ng mga loan sharks ang mga gamit sa loob ng shop mo. Sira-sira na yung mga stuff toys pati mga souvenirs na nakadisplay.
Nakita mo rin na hawak na nang loan sharks ang kapatid mo. Akma na nilang sisikmuraan eto pero maagap ka at nasipa mo yung isang loan shark. Nakatakas mula sa kanila yung kapatid mo. Pinalabas mo ito para tumawag ng pulis.
Alam mong matagal reresponde yung mga pulis dahil malayo ang lugar niyo sa istasyon nito kaya gagawa ka ng paraan na para mapaalis ang loan sharks.
Nagpose ka kaagad ng mala-Bruce Lee. Sumigaw ka at sinugod ang mga loan sharks. Ilang minuto lang ay... bagsak.
Bagsak ka sa sahig na nanghihina.Isang beses ka lang nasikmuraan pero ang lakas ng naging impact sayo.
Hindi ka naman kasi marunong ng martial arts, pero pinilit mo na makipaglaban.
Ngayon ay tumutulo na ang dugo mula sa bibig mo. Sisipain ka pa sana ng leader ng loan shark pero may pumigil sa kanya.
"Hoy!" sigaw ng isang lalaking payat at may malalim na eyebags. Mukhang kakagising lang nito at naiirita dahil sa ingay.
"Huwag kang makialam dito!" sigaw nung loan shark.
Nakita mong lumapit yung payat sa mga loansharks at nagulat ka na lang nung pagbubugbugin niya yung mga nandoon.
Ilang minuto lang at nagsipagtakbuhan yung mga loansharks palabas. Nasalubong nila yung mga pulis at agad silang nahuli.
Kahit nanghihina ka pa, pinilit mong tumayo para mapasalamatan yung payat na lalaki.
"Malaki ba ang utang niyo doon?" tanong nung payat na lalaki sayo.
Hindi ka nakasagot. Nabighani ka kasi sa fierce na feature ng mukha niya. Yung perfect jawline pati yung ilong na medyo matangos. Nagpadagdag pa yung eyebags niya.
"Hoy miss!" tinulak niya yung noo mo at bumalik ka sa huwisyo.
"Ah.. E-eh wala kaming utang doon." sagot mo sa kanya. Totoo naman na wala kayong utang. Hindi mo lang talaga alam kung bakit pabalik-balik yun sa shop mo.
"S-salamat." sabi mo sa payat na lalaki.
Tumango siya tapos kumindat sayo.
"Your welcome. By the way, kung may kailangan kayo, nandiyan lang ako sa kabilang shop. Hanapin niyo ko diyan."
Hindi ka makasagot kaya tumango ka na lang. Pero agad mo siyang hinabol para itanong ang isang bagay.
''Sandali lang..." sigaw mo. Lumingon naman siya at hinintay ang sasabihin mo.
"...a-anong pangalan mo?"
"Ako si Tao. Huang Zi Tao." kumindat ulit siya at saka lumabas na.
◇♡♤♧
Ilang linggo at naging tahimik ang buhay niyo sa shop. Wala namang masyadong nanggugulo sa inyo ng kapatid mo doon. Kaya naman nagkaroon ka ng time para mag-aral ng basic self defense at martial arts. Naging inspiration mo si Tao.
BINABASA MO ANG
You and your IDOL (one-shot stories)
RomanceThis is a collection of fictional stories featuring YOU and YOUR BIAS. Open for requests. Anyway, a follow would be nice: wattpad: iamLAYdreamer twitter: @iamLAYdreamer