EXO's Chen

15 1 2
                                    

Characters: Angelique Kwon and Kim Jongdae (Chen)

To: @themoonlight_shang hello there, medyo corny to pero sana magustuhan mo pa rin. Sorry kasi super late napost #^_^#

[Please play the multimedia at the side para sa overflowing feels :-)]

◇♡♤♧

"Angelique, angelique!" Nandito na naman sa tabi mo si Chen at kinukulit ka niya.

"O bakit?" Nakasimangot ka habang tinatanong mo yun pero hindi mo siya nililingon.

"Anong tawag sa cheese na hindi sayo?" Babanat na naman ba sya?

Napaismid ka. " Ano?" Tanong mo.

Ngumiti siya sa harap mo nang nakakaloko. "Eh di.... Nacho cheese! Bwahahaha!" Tumawa siya ng tumawa habang ikaw, nakatulala pa rin at nagloload sa utak mo yung meaning nung joke niya.

Hindi mo pa masyadong nagegets yung sagot niya, nagsimula na ulit siyang magsalita.

"Angelique, ano naman ang sinabi ni tomato 1 kay tomato 2?"

"Ha? Eh ano?"

"Ehdi, I'll ketch-up!" Sabay tawa ulit ng malakas.

Humirit pa ulit siya.

"Oy Angelique, di ka hayop at di ka tao, ano ka?"

Doon ka napatingin sa kanya bago sumagot. "Huwag mong sabihing bagay tayo?!" Inis na sabi mo sa kanya. Oo naiinis ka pero hindi mo maiwasan ang kiligin. Kahit papaano kasi ay gwapo siya at meron kang kaunting crush sa kanya.

Napasimangot naman si Chen sa sagot mo.

"Hindi tayo bagay no." Napakamot sya ng ulo.

"Eh ano pala?" Pabalang na sabi mo sa kanya. Naisip mo na masyadong syang prangka at talagang sinabing hindi kayo bagay. Bahagya kang napamura sa isip mo.

"Angelique... Ikaw ay isang... malaking tae." Sabay malakas na tawa niya ulit.

Napuno ka na sa lahat ng kalokohan niya kaya umalis ka sa kinauupuan mo. Padabog kang lumakad palayo sa kanya.

Sa kamalas-malasan mo pa, natalisod ka at nangudngod sa sahig. Tumama ang matangos mong ilong sa sahig at parang may narinig ka pang tumunog na nabaling buto doon. Nahalikan mo pa yung flooring at natikman mo yung alikabok.

Ilang segundo ka nang nakaganun pero wala man lang tumutulong sayo.

Itinungkod mo ang dalawang kamay mo at dahan-dahang tumayo. Doon ka na naman akarinig ng malakas na tawa mula kay Chen.

Nilingon mo siya at tiningnan ng masama.

"Imbis na tulungan mo ko, tinatawanan mo pa ko." Sabi mo. Napahinto naman siya ng tawa ng ma-realize niyang galit ka talaga.

Lalapit sana sya sa'yo pero kaagad mo siyang pinigilan.

"Huwag ka nang mag-abala, Jongdae. Kahit ilang besea naman ata akong mahulog, hindi mo ako sasaluhin." Sabay alis mo sa pinagdapaan mo.

Hindi mo alam kung bakit pero napagtanto mo na parang doble ang pakahulugan ng sinabi mo sa kanya kanina.

◇♡♤♧

Lumipas ang ilang taon. Naging tahimik ang buhay mo. Hindi mo na nakita si Chen pagkatapos nung pagkadapa mo. Nalaman mo na lang kasi na nag-transfer siya sa ibang school.

Okay ka naman ngayon. Oo. Okay ka lang sa tingin mo. Teka... okay ka nga ba talaga? Okay ka ba emotionally?

Iwinaglit mo sa isipan mo ang mga iniisip mo nang maalala na may pasok ka pa pala sa trabaho. Hindi ka pwedeng malate dahil magagalit na naman sayo ang masungit mong boss. Sweldo pa naman ngayong araw, baka ma-delay ibigay yun sayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You and your IDOL (one-shot stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon