Chapter 3 : Manila

162 25 0
                                    


"Amy, ika'y gumising na at anong oras na" narinig ko ang boses ni Lola kaya agad akong dumilat. Linggo na pala.

"La ako na po diyan" sambit ko dito at kinuha sa kanya ang sandok na pinang luluto nya.

"Hay nako talaga Amy, ako na dito. Mag impake kana at diba sabi mo ay pupunta ka sa maynila upang mag trabaho. Sige na baka mahuli kapa" saad ni Lola tama iyon, na pag desisyonan kong pumunta sa maynila upang mag trabaho. May nakuha na akong trabaho ang pagiging kasambahay, mamaya lang ay mag uumpisa na ako sa kanila, laking pasasalamat ko nga dahil kung hindi dahil kay Tita wala akong magiging trabaho sa maynila.

Inalok nya kasi ko na maging kasambahay sa dati nyang pinapasukan, mababait naman daw ang mga amo nya don at malaki mag pa sweldo. Ayoko na kasing maging pabigat dito sa bahay, lagi nalang namomoblema sila Lola at Lolo sa mga gastusin namin dito. Pati nga pagkain ay minsan wala na kami.

Nag igib muna ako ng tubig sa poso bago maligo. Nang matapos ako ay narinig kong nag uusap sina Lolo at Lola kasama ang kababata kong pinsan na si Klaire. Kahit pinsan ko lang siya tinuturing ko siyang tunay na kapatid.

Wala pa akong muwang ng mawalay ako sa Nanay at Tatay ko, ang Tatay ko ay naaksidente nung ako ay 3 months palang habang ang Nanay ko naman ay wala na kaming balita, ilang buwan palang din ako ng binagyo daw ang lugar namin at hindi na makita si Nanay ang balita daw nina lola ay namatay na daw. Kaya simula sinilang ako Lola at Lolo ko na ang nag aalaga sakin o samin. Si Klaire kasi ay apo rin nina Lola, dito na siya nag iistay kasama ang kuya nya pero wala dito ang kuya nya nag tratrabaho sa abroad para may maipadala samin hindi na kasi sila kayang alagaan ng totoong Nanay nila dahil kapos sila at marami sila.

"La, Lo pasensya na po ha, kailangan ko na talaga ng bagong sapatos. Sira sira na po kasi ang sapatos ko hindi na talaga kayang pag tiisan" malungkot na sabi nito.

"Uhm Klaire.. wala kasing pera ang Lola at Lolo mo pero hayaan mo gagawa ako ng paraan. Asahan mong sa susunod na araw ay bago na ang sapatos mo" saad ni Lolo.

"Salamat po Lo"

"Kung kakayanin kong mag uwi ng pera mamaya ay ibibigay ko na sayo ng maka bili kana ng sapatos anak. Hintayin mo ako" saad ni Lolo.

"Hindi na po kailangan tay, dito nalang kayo. Klaire ito nalang ang natitirang pera ng ate. Alam kong hindi kasya yan upang maka bili ka ng bagong sapatos pero hayaan mo sa susunod na mga araw ay mag papadala agad ako sayo, naiintindihan mo ba?" saad ko habang naka hawak sa kamay nya. Tumango naman ito sakin at niyakap ako. Binigyan ko lamang siya ng 450 pesos dahil yoon lang ang extra ko.

"Naku Amy meron ka pa bang pamasahe diyan? Baka hindi ka maka abot ng maynila anak" saad ni Lola "Meron pa La, huwag ka ng mag alala sakin" saad ko kahit sa totoo nyan ay wala na kahit piso, at hindi ko na alam kung paano ako makakarating ng maynila ng walang pera. Pero..... Secret.

"Mag ingat ka doon anak, lagi kang mag papadala ng sulat sa amin ha?" saad ni Lolo. "Opo Lo!" masayang sabi ko.

"Huwag muna ang boyfriend anak ha" sabi ni Lola.

"Hay nako La, hindi ako bagay don walang mag kakagusto sa isang katulad ko doon. Lahat ng naka tira sa maynila ay mayaman kaya hindi nila ako magugustuhan" saad ko.

"Ay sus, sa ganda ba naman ng ate ko eh. Naku maraming mag hahabol sayo don ate" saad ni Klaire sakin kaya napatawa ako.

"Anong oras na inay at itay kailangan ko na pong umalis" saad ko at binuhat na amg mga bag ko.

Eternal Love || CocoTyangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon