Chapter 14: All for you

141 33 7
                                    



"Coleen nga pala, bakit umuwi ka agad kagabi?" Amy asked me. Nandito ako ngayon sa living room sa 2nd floor naka upo sa sofa habang nag pho-phone, nandito rin si Amy naka tambay lang din siya.

"Biglang sumama pakiramdam ko" I said.

"Oh... okay kana ba ngayon?" she asked.

"Uhm yes, uminom ako ng gamot" pag papalusot ko.

"Bakit maga mata mo?" she asked, patay na.

"Uhm ewan ko eh? baka na ano lang" I said, hindi ko alam sasabihin ko help.

"Na ano?"

"Hindi ako makatulog kagabi kaya medyo antok" I said.

"Ah, wala ka namang work today mag pahinga ka nalang muna" she said.

"Sige, i'm gonna sleep" I said para makaiwas na rin sa mga katanungan nya.

Tumayo ako at pumasok ng kwarto ko, isasara ko na sana ang pinto pero pumasok si Amy.

"Dito muna ako, malamig dito eh. Pwede ba?" she asked. Oo naman.

"Yeah sure"

"Except kay Dad, Tita mommy, Jaydee, Ate Abby and Ate Sela ikaw ang pinaka unang taong pumasok dito sa kwarto ko" I said. Yeah that's true ang tanging pumapasok lang dito sa mga maid namin ay si Manang Teresa para linisin ito, laging naka lock ang kwarto ko every time na wala ako dito sa bahay may duplicate lang sila Manang, Dad at Tita Mommy.

"Really?" she asked.

"Yup, alam nilang magagalit ako pag pumasok sila dito"

"Ang swerte ko naman pala" she said.

"Sinabi mo pa"

"So bakit nga ayaw mong nag papapasok dito?" she asked at umupo sa couch.

"Tara dito" I said. Hinatak ko siya patayo at pumunta sa isang sulok ng kwarto ko, hinawi ko ang kurtinang naka harang sa pinto papasok kung saan naka lagay lahat ng tinatago ko.

"Because of these!" I said habang naka ngiting pinakita sa kanya ang room na ito with full of books and cameras.

"Books and cameras?" she asked.

"Yes ang mga naka sulat dyan ay ang mga rants ko, mga hinanakit, mga nararamdaman ko"

"Puro rants yan?"

"Yes"

"At yung mga cameras na yan ay bigay ni mommy saakin dahil naka support sakin si mom sa photography"

"Nag photography ka?"

"Yes"

"And kita mo to? Ang mga laman nito ay puro video and pictures na na take ko dati, pati na rin mga pictures ni Mom nandyan kaya sobrang importante sakin yan" I said, at pinakita sa kanya ang isang maliit na pouch na may laman na sobrang daming sd cards.

"Pwede bang makita mga shots mo? At gusto ko ring makita mom mo kung okay lang naman sayo" she said.

"Yeah sure, tara. Just wait me here kunin ko lang laptop ko sa office" I said, binitbit ko yung mga sd cards at isang camera bago lumabas ng secret room. Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta ng office and after that dumaretso na ako sa room ko, sinet up ko ang folding table sa harap ng couch kung saan naka upo si Amy at tumabi sa kanya.

Eternal Love || CocoTyangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon